Kilalanin ang Non-Showbiz Husband ni Erich Gonzales na Si Mateo Lorenzo na Anak ng Isang Business Tycoon

Ganap ng Mrs. Lorenzo ngayon ang Kapamilya actress na si Erich Gonzales.
Marami kaagad ang mga nagnanais na makilala kung sino nga ba ang lalaking bumihag sa puso ng isa sa mga pinakamahuhusay at pinakamgagandang aktres sa industriya ng showbiz na si Ercih Gonzales. Ito ay matapos ngang lumabas nito lamang ang ulat na ang dalaga nga ay ikinasal na kanyang non-showbiz husband.

Photo credits: Google.com

Ayon sa ulat, dalawang taon ng karelasyon ng aktres ang kanyang napangasawa na isang businessman, bago pa man sila ikinasal nito lamang ika-23 ng Marso taon ng kasalukuyan sa St. James the Great Parish, sa Alabang Muntinlupa City. Kinilala nga ang mister ni Erich na si Mateo Lorenzo, na ayon sa mga lumabas na ulat ay isang businessman.

Photo credits: Google.com

Dahil nga sa itinago ni Erich ang relasyon nila ng kasintahan, bilang respeto sa pamilya nito, ay ngayon nga na sila ay kasal na ay marami ang mga tagahanga ng aktres ang talaga namang nagnanais na makilala ang mister nito. Tanong nga ng marami, sino ba si Mateo Lorenzo?
Narito at kilalanin nga natin ang non-showbiz husband ni Erich, base na rin sa ilang mga ulat na lumabas patungkol dito.

Photo credits: Erich Gonzales| IG

Sa ilang detalye patungkol sa non-showbiz husband ng aktres ay Mateo Rafael Lorenzo nga umano ang buong pangalan nito. Base naman sa Facebook account ni Mateo, siya ay ipinanganak noong ika-17 ng Nobyembre taong 1991, kaya naman sa kasalukuyan ay nasa edad 30 na siya.

Lumabas din sa ilang mga ulat na mula sa isang mayamang pamilya ang non-showbiz husband ni Erich, dahil ang mga magulang nga nito ay ang mag-asawang sina Martin Ignacio Lorenzo at Maria Leah de Leon na mga business tycoon.

Photo credits to the owner

Para sa kaalaman ng lahat ang ama ni Mateo Lorenzo na si Martin Ignacio Lorenzo ay ang chairman, president at CEO ng mahigit na labing walo nilang kumpanya. Ilan nga sa mga ito ay ang, First Lucky Agro-Industrial Corp.; Macondray Philippines Co. Inc.; First Lucky Holdings Corp.; Central Azucarera de Tarlac Inc; (CAT) Resource & Asset Holdings Inc., and RestaurantConcepts Group Inc. Ayon din sa ulat, si Martin Lorenzo din ang dating nag-o-operate ng Pancake House at Del Monte Philippines.

Photo credits to the owner

Isang malaking pamilya din ang pinagmulan ni Mateo, sapagkat siya ay mayroon ngang labing isang kapatid, ito ay sina Diego, Lucas, Maria, Santiago, Basti, MJ, Paola, Andres, Agustin, Julia at Angelo. Ayon din sa ulat, lumaki silang magkakapatid na hindi umaasa sa mga katulong sa loob ng kanilang tahanan, bagkus ay sila-silang magpapamilya ang nagtutulungan sa mga gawaing bahay.

Photo credits; Andres Lorenzo | IG

Katulad ng kanyang ama, isa ring Ivy League si Mateo. Base sa bio niya sa kanyang Instagram account, nakapagtapos siya ng kursong Management Engineering sa Ateneo de Manila University noong taong 2014, kung saan sa parehong unibersidad din nagtapos ang kanyang ama at parehong kurso din nga.

Ang kanyang master’s degree naman ay natapos niya sa Business Administration at the Wharton Graduate School of the University of Pennsylvania noong taong 2021. At ang kanyang ama nga ay nagtapos din ng MBA nito sa nasabing Graduate School noong taong 1990.

Photo credits: Google.com

Sumunod nga si Mateo sa yapak ng kanyang ama, kaya naman isa din siyang matagumpay na businessman ngayon.
Ilan naman sa mga kinahihiligan ni Mateo na ‘hobby’ ay ang gols, travelling, cars, show jumping at agriculture, ito ay base din sa mga IG post niya.

Sina Erich at Mateo ay nagsimula na maging magkaibigan noong taong 2017, at nang magkamabutihan ay pinili nga ng dalawa na maging low-key ang kanilang relasyon. Matatandaan naman noong buwan ng Hulyo taong 2019 sa pamamagitan ng isang vlog sa kanyang YouTube channel, ay sinabi nga ni Erich na masaya ang kanyang buhay pag-ibig, at ito nga ay ng mga panahon na nai-ispatan na siya na kasama si Mateo sa ilang mga events.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *