Kahit Edad 47 na, Actress-Beauty Queen na Si Ruffa Gutierrez Hindi Pa Rin Kumukupas ang Taglay na Kagandahan

Pagdating sa pagkakaroon ng kahanga-hangang kagandahan na hindi kumukupas sa kabila ng paglipas ng panahon, ay isa na nga riyan ang beauty queen-actress na si Ruffa Gutierrez. Si Ruffa Gutierrez ay hindi lamang kilala bilang isang mahusay na aktres sa industriya ng showbiz, kundi batid din ng publiko na siya ay mula sa pamilya ng mga artista sapagkat ang kanyang mga magulang na sina Eddie Gutierrez at Anabelle Rama ay parehong kilala rin na personalidad sa mundo ng showbiz. Maging ang kapatid niyang si Richard Gutierrez ay isa rin sa mga hinahangaan na aktor sa showbiz.

Photo credits: Ruffa Gutierrez | IG

Matatandaan na nagsimula si Ruffa sa industriya ng siya ay mapabilang noon sa “That’s Entertainment”, kung saan dahil sa ipinamalas niyang pag-arte ay marami nga ang bumilib sa kanya, dahilan upang mas gumanda pa ang takbo ng kanyang karera bilang isang artista.

Ngunit maliban nga sa pag-arte, ay may angkin din palang talento pagdating sa pagmo-modelo at pagiging beauty queen si Ruffa, kaya naman noong taong 1993 ay sumabak nga siya sa isang prestihiyosong beauty pageant, at ito ay ang Miss Worl kung saan ay nakamit niya ang titulo na 2nd runner up.

Photo credits :Ruffa Gutierrez | IG

Samantala, sa kasalukuyan ay 47-taong gulang na si Ruffa at siya ay mayroon na ring dalawang anak na dalaga na sina Lorin at Venice, na ang ama nga ay dating asawa ni Ruffa na si Yilmaz Bektas. Sa kabila nga ng ilang taon an rin ang lumipas magmula ang kabataan ni Ruffa, ay hindi maitatanggi na hanggang ngayon ay talaga namang hindi pa rin kumukupas ang taglay na kagandahan at kaseksihan ng aktres.

Photo credits:Ruffa Gutierrez | IG

Ilang dekada man nga ang lumipas ay kitang-kita naman na napanatili ni Ruffa ang kanyang taglay na kagandahan. Mas lalo pa niyang pinahanga ang marami, ng ibandera niya nito lamang nakaraan ang kanyang maganda at seksing larawan, kung saan ay makikita nga na siya ay nakasuot ng seksing swim wear at sexy dress, na tila nga nakikisabay na siya sa pagpasok ng ‘summer’ sa bansa o panahon ng tag-init.

Photo credits: Ruffa Gutierrez | IG

Dahil sa kagandahan at kaseksihan na taglay ni Ruffa sa kanyang nasabing larawan ay kaagad ngang bumaha ang maraming komento ng paghanga para sa kanya.

Photo credits: Ruffa Gutierrez | IG

Karamihan pa nga sa mga nagpaabot ng kanilang paghanga ay ang mga kapwa celebrity mom ni Ruffa na sina Melai Cantiveros at Vina Morales. Makikita rin na nagkomento sina Kim Chiu, Samantha Bernardo at marami pang iba.
Maging ang mga netizens naman ay umaapaw din ang mga komento para sa napakagandang larawan ng Kapamilya actress. Narito nga ang ilan sa kanilang mga komento.

“Walang kupas… [heart emoji] queen Ruffa”
“Pwede ulit ilaban sa Miss World”
“I love this…..”
“Grabehhhhh Miss Ruf……”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *