Sa panahon ngayon, talagang pinipili ng mga tao na maging kakaiba ang kanilang sariling tahanan gaya na lamang ng Eat Bulaga host na Joey de Leon na nagmamay-ari ng isang tahanan na mistulang isang museum. Lingid sa kaalaman ng marami, hindi lamang isang aktor at host si Joey.
Isa rin siyang artist. Sa katunayan, kumuha siya noon ng kursong Architecture dahil sa kaniyang hilig sa pagguhit. Nagkaroon din siya ng pagkakataon na magkaroon ng exhibit noong 1980s at hanggang ngayon nga ay patuloy pa rin ang kaniyang pagguhit. Bukod dito, makikita rin ang kaniyang pagmamahal sa mga artworks dahil sa kaniyang pagiging art collector.
CREDITS: Joey De Leon| IG
At dahil sa kaniyang mga koleksiyon, puno na ngayon ang kaniyang tahanan ng iba’t ibang artworks ng mga lokal na artists. Dahil rin dito, nagmistulang isang museum ang kaniyang tahanan.
CREDITS: Joey De Leon| IG
Sa unang tingin pa lamang ay aakalaing isang museum ang bahay na ito ni Joey de Leon. Sa foyer ay makikita na agad ang klasikong mga dekorasyon at detalye ng bahay lalo na ang isang fountain na sasalubong sa mga papasok dito. Sa living area, talagang mapapahanga ang mga bisita lalo na sa mga paintings na makikita sa dingding.
Photo Credits to the owner
Karamihan sa mga ito ay mula sa paboritong artist ni Joey na si Ang Kiukok. Bagay na bagay ang mga dekorasyon na paintings sa personalidad ng host lalo na at nagkaroon din siya ng sarili niyang art exhibits noon. Agaw-pansin din ang mga paintings ng clown na kinagigiliwan ni Joey. Repleksyon umano ito ng kaniyang masiyahing karakter sa telebisyon.
Photo Credits to the owner
Maging ang dining area ni Joey ay puno rin ng paintings ng mga kilalang artist sa Pilipinas. Kwento rin ni Joey, isa sa kaniyang mga libangan ay ang pagpapalit ng posisyon ng mga paintings na ito.
Personal din siyang naglilinis ng mga ito, “Yong paintings, lahat ‘yan, gumagalaw ‘yan, nagbabago ng posisyon. Therapy ko ‘yong pagpapalit. Enjoy na enjoy ako na nagsu-screw, nagpapako, nagpapalinis ng painting.” Ngunit bukod sa mga paintings, mayroon ding ibang artworks rito mula sa ibang National Artists ng bansa.
Photo Credits to the owner
Sa labas naman ng kaniyang property makikita ang isang swimming pool at ang napakagandang landscape na nakapalibot dito. Sa lugar na ito nakakapagrelax ang host matapos ang kaniyang mga trabaho.