Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, Ipinasilip ang Kanilang Ipinapagawang Container Van House na may Napakagandang View

Matatandaang naging usap-usapan ang pinakahinihintay na kasalan ng Kapuso stars na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo Nobyembre noong nakaraang taon.

Photo credits: Jennylyn Mercado | Youtube

Photo credits: Jennylyn Mercado | Youtube

Matapos nga ang napakagandang kasal na ito, nagsimula nang magpatayo sina Jennylyn at Dennis ng kanilang sariling tahanan.




Photo credits: Jennylyn Mercado | Youtube

Photo credits: Jennylyn Mercado | Youtube

May sukat na 1,000 sqm. ang container van house, bagay na bagay sa lumalaking pamilya nina Jennylyn at Dennis. Mayroon itong sapat na kwarto para sa mag-asawa, para sa anak ni Jennylyn na si Jazz at para sa anak ni Dennis na si Calix.

Photo credits: Jennylyn Mercado | Youtube

Hindi rin mawawala ang isang nursery na nakalaan para sa paparating na anak nina Jennylyn at Dennis.

Photo credits: Jennylyn Mercado | Youtube

Pagdating naman sa lokasyon ng tahanan, pinili nila ang pribado at tahimik na lugar sa isang bundok. Ayon kay Dennis,

“Naisip namin na magiging beneficial sa aming lahat na dito mag-stay dahil dito sa bundok, presko ang hangin, presko ang pagkain.”

Photo credits: Jennylyn Mercado | Youtube

Pagpasok pa lamang sa container van house ay makikita agad ang living room at entertainment space. Matatanaw din mula rito ang dining area at kitchen. Sa ikalawang palapag naman makikita ang mga kwarto.

Narito ang napakalawak na master bedroom gayundin ang nursery at kwarto para sa kanilang mga anak. Siniguro ng mag-asawa na mula sa kani-kanilang mga kwarto ay matatanaw ang napakagandang view ng lugar.




Photo credits: Jennylyn Mercado | Youtube

Mula naman sa master bedroom ng mag-asawa, maaaring makapunta sa view deck ng bahay kung saan maaaring makapag-relax ang buong pamilya.

Photo credits: Jennylyn Mercado | Youtube

Ayon sa vlog na inilabas ng mag-asawa, kaunting panahon at oras na lamang ang hihintayin upang matapos ang kanilang bagong tahanan. Pinaghahandaan na rin ng pamilya ang kanilang nalalapit na paglipat sa container van house na ito.

Dahil sa napakagandang espasyo at lokasyon ng bahay, walang dudang magiging masaya at kuntento ang buong pamilya sa kanilang bagong tahanan. Maganda rin ang naging reaksyon ng mga netizens sa vlog ng mag-asawa. Sa kasalukuyan, mayroong 700,000 views at 19,000 comments ang vlog na ito.

Photo credits: Jennylyn Mercado | Youtube




Ayon sa mga netizens, kitang-kita ang saya at pagmamahal ng celebrity couple. Binati rin ng ilan ang dalawa sa kanilang naging kasal at sa bago nilang bahay. Hindi na rin makapaghintay pa ang ilang viewers sa susunod na proyekto ng dalawa para sa kanilang tahanan.

Hideaway | Episode 8 | After All : Jennylyn & Dennis

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *