Ivana Alawi Ipinamahagi ang Premyo na Nakuha nila ni Mona sa Ginawa Nilang Handcuffed Challenge

Nang sumiklab ang pandemya sa ating bansa, ay marami sa atin ang natakot na lumabas sa ating mga tahanan upang ingatan ang ating sarili ganun din ang ating pamilya sa nakakahawang sakit na kumakalat sa ating kapaligiran.

CREDITS: Ivana Alawi| YT

Tulad ng marami sa atin, ang actress-vlogger na si Ivana Alawi ay natakot din noon na lumabas sa kanilang tahanan upang makaiwas sa naturang karamdaman, kaya naman sa kabila ng mga offer sa kanyang proyekto ng kinabibilangan niyang TV network ay pinili niya muna itong tanggihan para masigurado lamang ang kaligtasan ng kanyang pamilya.

CREDITS: Ivana Alawi| YT

Samantala, ngayon na unti-unti ng bumabalik sa normal ang lahat sa kabila ng patuloy pa rin nating kinakaharap ang krisis na dulot ng pandemya, ay napag-alaman nga ng KAMI na muling magbabalik trabaho na si Ivana, dahil siya ay mayroong bagong proyekto sa Kapamilya channel.

CREDITS: Ivana Alawi| YT

Batid naman natin, na sa new normal ngayon, pagdating sa mga shooting at taping, ay nauso na nga ang lock-in taping, ito ay para pa rin sa pagsunod sa health protocols na ipinatutupad sa ating bansa. Kaya naman bago pa man sumabak si Ivana sa lock-in taping niya para sa kanyang bagong proyekto, ay sinigurado muna niyang makakapag-bonding sila ng kanyang pamilya.

CREDITS: Ivana Alawi| YT

Naisipan ni Ivana na maging bonding nila ng kanyang pamilya ay ang handcuff challenge. Ang kanyang ka-handcuff challenge ay ang kapatid niyang si Mona, samantala ang kanyang Mama Alawi naman ay ka-handcuff ang kanilang ate Amira. Si Hashim naman ang keeper of the keys ng mga posas ng pamilya. Nauna namang sumuko sa naturang challenge sina Mama Alawi at ate Mira nila.

CREDITS: Ivana Alawi| YT

Nakakahalaga nga ng Php100,000 ang premyo sa kanilang ginagawang handcuff challenge, at dahil sina Ivana at Mona ang nanalo, ay naisipan nila na ibahagi ang kanilang premyo kina Mama Alawi, Ate Amira Nila at kay Hashim.

CREDITS: Ivana Alawi| YT

Minabuti naman ni Hashim na ibahagi na lang ang kanyang premyo sa kanilang viewers, ito ay dahil sa pakiramdam niya ay wala naman siyang ginawa kundi ang magtago ng susi.

Sumang-ayon naman kay Hashim si Ivana, at ang premyo nga na dapat kay Hashim ay ipinamahagi nila sa limang masuwerteng viewers na mabibigyan nila ng tig Php4,000 bawat isa.

CREDITS: Ivana Alawi| YT

Si Ivana Alawi ay isang kilalang aktres, at isa rin sa mga highest paid vlogger sa Pilipinas, dahil sa dami ng kanyang mga subscribers. Kamakailan nga lamang ay ipinagdiwang ni Ivana ang pagkakaroon niya ng 13-milyong subsribers sa kanyang YouTube channel. Tunay ngang napakaraming sumusuporta at tumatangkilik sa mga vlogs ni Ivana, dahil maliban sa nakakaliw ito, ay puno rin ito ng inspirasyon.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *