Isang Single Dad, Nagpatayo ng Napakagandang Tiny Tree House na may Old at New Style na Disenyo, Gumastos ng P250,000

Misan nabang sumagi sa isip nyo ang mag-pagawa ng treehouse? Isang Civil Engineer sa Ramos Tarlac ang umani ng paghanga matapos niyang ibahagi ang kanyang ipinagawang Tiny Tree House na umabot lamang sa P250,000 ang nagastos.

Pinabilib ng Single Dad na si Engineer Gbong Suniga ang mga netizens matapos niyang ibahagi ang kanyang napakagandang tiny tree house kung saan may parking space na tinawag niyang bat cave.

Sa isang video na ibinahagi ng Only God Content (OG) sa youtube, kung saan i-feneature nila ang Tiny Tree House ni Engineer Gbong sa Ramos, Tarlac, makikita ang ganda at kakaibang disenyo nito kung saan sa labas palang ay makikita ang napakagandang pagka landscape na para sa aesthetic at para daw maconceal ang parking area sa ibaba.

Photo credits: OG | Youtube

Sa pag lilibot sa tree house, inisa-isa ni Engineer ang magagandang feature ng kanyang tiny tree house kung saan ang tiny tree house niya ay inspired by the hanging garden design.

Makikita din ang mga vines na nakapulupot sa ibat ibang bahagi ng treehouse kung saan nagbigay ng dagdag ganda dito, makikita din ang isang lugar kung saan may hammock bed na nagsisilbing pahingahan at tambayan.

Photo credits: OG | Youtube

Sa bandang baba naman makikita ang napakagandang landscape na may ibat-ibang uri ng pananim na halaman at old jars. May mga hanging plants din sa paligid na nilagay si Engineer na mas nagbibigay buhay sa paligid ng tree house, marami ding nilagay na hanging lights na nagbibigay liwanag at goodvibes naman kapag gabi.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Ayon kay Engineer, hindi naging madali ang panimula ng construction ng kanyang tree house dahil kailangan niyang aralin kung paano iwasan na matamaan ang ugat ng puno habang naghuhukat at para mapanatili ang sigla nito habang itinatayo ang kanyang treehouse.

Photo credits: OG | Youtube

Naging hilig naman ni Engineer ang sasakyan kaya naman, nagpagawa ito ng parking sa ilalim ng treehouse na hango sa batcave ni batman, kung saan naglagay pa ito ng madaming pin lights at strip lights na nagdagdag ng ganda sa kanyang sasakyan habang nakapark.

Photo credits: OG | Youtube

Isa sa mga proud na ibinahagi ni Engineer ay ang pagkakahalo ng old and modern design ng kanyang treehouse kung saan nagbigay ng kakaibang itsura at ganda dito.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Pagbabahagi ni Engineer Gbong Suniga na inabot ng higit kumulang P250,000 ang nagastos niya sakanyang dream tiny tree house na ito na ngayon ay nagsisilbing tirahan niya at ng kanyang pamilya kapag sila ay nagbabakasyon at nagbobonding.

Talagang mapapa wow ka sa tiny treehouse na ito, kaya kung gusto niyo din magkaroon ng ganito, panoorin niyo ang kaniyang video.

Step Inside This ₱250K Tiny Treehouse Laying Out Old & New Designs | Unique Homes | OG

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *