Isang Pinay sa Australia Kumikita ng Halos Php226K Kada Buwan sa Pagtatrabaho Niya Bilang ‘Fruit Picker’

Pangarap nga naman ng marami sa atin na magkaroon ng trabaho o pagkakakitaan na mayroong malaking income, hindi lang para sa ating sarili kundi para na rin masuportahan at maibigay pa lalo natin ang isang magandang buhay para sa ating pamilya.

Iba’t ibang mga pagkakakitaan at trabaho ang pinapasok ng marami sa atin para lang
magkaroon tayo ng malaking income, ang iba nga ay nagtutungo pa sa ibang bansa para doon ay makahanap ng magandang oportunidad na magiging daan para sa isang magandang kinabukasan.

Photo Credits: Mariel Larsen| YT

Ang 23-taong gulang na Pinay na si Mariel Larsen ang ngayon ay naninirahan na sa bansang Australia, kung saan doon na nga siya nakapangasawa ng isang Australian na ang trabaho ay fruit picker.
Para matulungan niya ang kanyang mister, ay pinasok na rin nga ni Mariel nag pagiging isang fruit picker, kung saan ngayon ay malaki na nga ang kinikita niya.

Photo Credits: Mariel Larsen| YT

Ayon kay Mariel ay kumikita nga siya ng AU$3000-AU$6000 kada buwan sa pagiging isang fruit picker, kung saan ang halaga nga nito ay tumutumbas ng PHP113,000 hanggang PHP226,000 kada buwan sa pera ng Pilipinas.
Kuwento ni Mariel, nakarating siya sa Australia ng mapangasawa nga niya ang mister niyang Australiano. At pagdating naman sa trabaho nila na pagiging fruit picker, hindi umano simple ang trababo nilang ito dahil maliban sa marami ay malalaking bin ang pinupuno nila ng prutas, kung saan ang bawat lalagyan nga ay kailangan na mapuno ng 300-500 kilo ng prutas.

Photo Credits: Mariel Larsen| YT

Dahil nga sa field work ang trabaho ni Mariel at ng kanyang Australyanong mister ay sa iba’t ibang lugar sila nakatira ng kanilang pamilya sa isang camper van. Dagdag pa niya, taon-taon ay may routine na sila at may farm na nga sila na permanente nilang pinagpipitasan ng mga prutas.

Photo Credits: Mariel Larsen| YT

Aminado naman si Mariel, na dahil nga sa field ang kanilang trabaho at camper van sila nakatira, noong una nga ay mahirap siya ngunit habang tumatagal ay na-i-enjoy na rin niya lalo na’t nakakarating din nga sila sa iba’t ibang mga magagandang lugar sa Australia.

Photo Credits: Mariel Larsen| YT

Pagbabahagi pa ng Pinay fruit picker, todo-kayod sila ng kanyang mister ngayon dahil sa gusto na rin nila mkaapagpatayo ng sarili nilang bahay, ito ay dahil na rin sa lumalaki na rin ang kanilang anak.
Nagbigay pasilip naman si Mariel kung paano nga ba ang buhay ng isang fruit picker, at kung paano ang trabaho na kanilang ginagawa, at ito nga ay sa kanyang YouTube channel na Marielasin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *