Isang Guro nag Bigay Goodvibes, Matapos Pagandahin ng Husto ang kanyang Classroom para i-Welcome Back ulet ang kanyang mga Estudyante

Dahil sa pandemya lahat ng eskwelahan ay apektado dahil dito huminto ang operasyon ng klase, pati mga guro at estudyante ay tumigil sa pag pasok. Naging online na ang mga klase kaya ang mga eskwelahan ay bakante ng mahigit dalawang taon. Kaya naman ngayon lumuwag na at magkakaroon na ng mga limted face to face classes sa ibat-ibang panig ng pilipinas, excited na ang mga teachers dahil halos dalawang taon din na puro harap ng computer ang kanilang klase.

Katulad nalang ng isang high school teacher sa Isabela, Leyte na kung saan sa sobrang excited niya sa paparating na face to face classes ay talagang pinaganda niya ang kanyang classroom na ayon dito ay matagal niya naring pangarap na pagandahin ang kanyang classroom na kung saan siya magtuturo para diumano mainspired ang kanyang mga estudyante sa bawat pagpasok ng mga ito.

 

Kinilala ang teacher na si Farah Mae Mosquite isang classroom adviser sa Grade-12 Zephyr. Masayang ibinahagi ni teacher Farah ang kanyang classroom makeover kung saan may reading corner, makikita din ang mga maliliit na halaman na inilagay ni teacher Farah na maslalong nagbigay buhay sa kanyang classroom.

Makikita din na ang bawat upuan ng estudyante ay may mga alcohol, facemask, hand sanitizer.

Sa isang gilid naman ay makikita ang isang water dispenser kung saan may mga kape at tsokolate.

Sa kabilang banda naman ay makikita ang dalawang single sofa na may lamesa at mga libro.

Makikita din ang aquarium na inilagay ni teacher Farah na may background lights na kulay pink.

Higit sa lahat makikita ang sobrang aliwalas na kulay ng classroom kung saan nakakarelax ang vibes. Makikita din na organized ang mga basurahan na inilagay ni teacher Farah dahil inihiwalay niya ang Biodagradable, Non Biodegradable, Recylable at Infectious waste.

Sobrang naapreciate naman ng mga estudyante at mga magulang nito ang ginawang effort ni teacher Farah na talagang nagpapakita ng pagmamahal niya sa edukasyon at pagtuturo. Gusto niya maging komportable ang kanyang mga estudyante sa kabila ng banta ng bayrus na ngayon ay unti unti nading humihina. Naging inspirasyon si teacher Farah at nagbigay ng goodvibes sa social media at talagang hinangaan ng iba din guro sa ibat-ibang sulok ng Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *