Isang Ama, Kinahiligan ang Pangongoleksyon ng mga Lumang Sasakyan, Umabot sa 25 Milyong Piso ang Nagastos sa Koleksyon at Pagrerestore ng mga ito

Hindi biro ang mangoleksyon ng mga sasakyan, pero kapag talagang hilig mo ito kahit gaano pa ito kamahal ay siguradong hinding hindi mo aatrasan. Katulad nalang ng mag-amang Salonga na sina Rainier Salonga at Clark Salonga na tubong Malolos Bulacan na nangoleksyon ng mga vintage cars.

Photo credits: OG | Youtube

1980s Car ay considered as vintage car na para sa mga kolektor, kaya naman halos lahat ng kinolekta ng mag-ama ay puro below 1980s cars katulad ng kanilang 1972 Volkswagen Karmain Ghia Coupe, isa sa mga rare model at sports car ng Volkswagen.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Ayon sa amang si Ranier, 12 years na siyang nangongolekta ng vintage car at talagang matagal niya na itong pangarap, taong 2005 ng mahilig siya sa mga vintage cars dahil madalas diumano niya itong nakikita sa kaibigan ng kanyan tatay.

Photo credits: OG | Youtube

Taong 2005 din ng magsimula siyang mangolekta ng mga lumang sasakyan pero hindi naging madali dahil ayon sakanya ay napakahirap maghanap ng mga lumang sasakyan. Halos 5 years din ang inabot bago niya nakuha ang kanyang kauna unahang vintage car na 1968 Volkswagen Type 3 Notchback na kanyang inirestore ang orihinal na itsura. Ito din ang kanyang pinaka paborito sa lahat ng kanyang koleksyon.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Ayon kay Ranier nakuha niya ang kanyang kaunaunahang vintage car sa isang pari na kung saan ito ang kauna unahang mayari. Pagbabahagi din ng ama na nahilig na din ang kanyang anak ng madalas niya itong isakay sa mga sasakyan at ibili ng laruang kotse sa toy kingdom.

Hanggang nawili nadin ang anak na si Clark sa pagtulong sakanyang ama na magrestore ng kanilang mga nabiling lumang kotse. Ayon naman kay clark ang kanyang kauna unahang vintage car naman ay ang 1982 BMW E-21 Single Headlight na pagmamayari din ng kanyang ama na ibinigay sakanya. Siya na din diumano ang nagrestore ng sasakyang ito na may orihinal na kulay na light gray pero kalaunan pinalitan din niya ng turqoise blue.

Photo credits: OG | Youtube

Pagbabahagi ni Ranier na noong una siyang nagrestore ay naghanap siya ng makakatulong na may experience sa pagrerestore, kung saan marami siyang naging kaibigan na willing tumulong sa pagrerestore ng mga lumang sasakyan dahil nga sa ito na ang kanilang kinahihiligan. Hanggang sa natutunan na din niya ang mga dapat gawin sa pagrerestore through experience at tulong ng kanyang mga kaibigan sa larangan ng pangongoleksyon at pagrerestore ng lumang oto.

Isa sa kanilang latest na ginawa na mismong silang dalawa ng anak niya ang nagrestore ay ang 1967 Ford Mustang GT Coupe na mismong sila ang naglatero, gumawa ng mechanical works at nagpintura.

Photo credits: OG | Youtube

Dahil sa pag kahilig nilang mag-ama sa sasakyan mas naging maganda din ang naging bonding nila dahil mas naging malapit sila sa isat-isa at lagi silang may bonding momments. Kaya naman super worth it ang ginugugul nila sa kanilang kinahihiligan dahil hindi lang nila naeenjoy ito kundi mas napapalapit pa sila sa isat-isa.

P25 Million Vintage Car Collection: A Shared Love of Cars | Real Stories Real People | OG

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *