Homade Siomai Business ng Isang Nanay na may Starting Capital na 500 Pesos, Kumikita na ngayon ng P20k to P50k sa Isang Araw

Isa sa mga patok na negosyo ngayon ay ang siomai, dahil kahit saan ay may makikitang kang stall nito  sa mga mall, istasyon ng tren at iba pang pambulikong sasakyan o kung di man ay mga nagbebenta nito  sa gilid lang ng kalye.

Pero sa dami ng nagnenegosyo ng siomai ngayon at tumataas ang kumpetisyon, maganda pa ba ang magtayo ngayon ng isang siomai business?

Para kay Nanay Teresita Barrientos, 17 taon ng negosyo ito ng kanyang pamilya at ito na ang kanilang kumikitang pangkabuhayan. Pero alam niyo ba na nahit lang ng pamilya ni Nanay Teresita ang Jackpot, noong pinursige nilang idevelop at mas pasarapin pa ang kanilang home made siomai.

Photo credits: Pera Paraan | GMA Public Affairs

Naging hit ang siomai ni Nanay Teresita at hinahanap hanap ito ng kanilang mga kapitbahay kung saan lagi itong nauubos, as in sold out lagi. Dating nagtratrabaho si Nanay Teresita sa isang kompanya dati, ngunit ng mag-sara ito ay kinumbinse siya ng kanyang tatay na magbenta nalang ng siomai.

Photo credits: Pera Paraan | GMA Public Affairs

“Laging ubos. Pinapadala an rin sa amin kasi nagdadala na rin kami sa trabaho. Pero nagsara young kompanyang tinatrabuhan ko kaya sabi ng tatay ko, magtinda na lang kami nito.”

Ayon kay Nanay Teresita, nagsimula lamang sila sa puhunan na limang daang piso at ng kumita, naginvest sila sa dalawang kariton kung saan magkahiwalay sila ng kanyang asawa na magbenta upang ma maximize ang kita. Hindi naging madali para kay Nanay Teresita at sakanyang asawa ang magbenta lalo nat lagi silang hinuhuli dahil sa mga lugar na napwepwestohan nila na bawal pala magtinda.

Photo credits: Pera Paraan | GMA Public Affairs

Pero hindi sumuko si Nanay Teresita, kaya naman gumawa siya ng paraan upang mas makilala ang kanyang produktong homade siomai, at ito nga ay ang pag gamit ng social media. Dito na naging blockbuster ang kanyang siomai business,

“Naku, eto na. Sabi ko salamat Lord,” pagbabahagi ni nanay Teresita.

Dati hirap na hirap pa sila mabawi ang kanilang pinupuhunan, pero ngayon kayang kaya na nila kumita ng 5 digit sa isang araw, minsan pa nga ay umaabot sila ng P50,000 sa isang araw.

Photo credits: Pera Paraan | GMA Public Affairs

Naging inspirasyon naman si Nanay Teresita sa marami kung saan nagbigay siya ng mga nakakainspire na payo,

“Huwag susuko, dapat kailangan laban lang para maabot natin ang mga pangarap natin,”

Isa si nanay Teresita sa mga dapat nating tulurana, para marating natin ang ating minimithi na ginhawa sa buhay, basta wag lang talaga susuko.

Pera Paraan: Homemade siomai business, dinarayo at libo-libo ang kita kada araw!

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *