Heart Evangelista, Kinagiliwan Ng Mga Netizens Matapos Kumasa Sa Challenge Na Mamili Sa Isang Sari-sari Store

Muling naghatid ng goodvibes sa kanyang mga tagahanga ang aktres na si Heart Evangelista. Ito nga ay matapos niyang kumasa sa isang challenge na hiling ng isa niyang tagahanga, ang mag-shopping o mamili sa sari-sari store.

CREDITS: Heart Evangelista| IG

Ang mamili sa sari-sari store ay bahagi na ng pang-araw-araw na buhay ng isang ordinaryong Pilipino. Sa tuwing may nais nga tayong bilhin o kailangan sa loob ng ating bahay, ang takbuan agad natin ay bumili sa sari-sari store. Ngunit, para sa isang kilala at mayamang personalidad na kagaya ni Heart Evangelista ay maituturing nga na isa itong challenge.

CREDITS: Heart Evangelista| IG

Hindi nga nagdalawang isip pa si Heart na tanggapin ang challenge na mamili sa sari-sari store. Sa isang video nga na kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram account, ay ipinasilip ni Heart ang kanyang masayang pamimili sa sari-sari store. Hindi naman nagpakabog sa pag-awra si Heart dahil dala-dala parin ang kanyang pagiging fashionista sa kanyang pamimili sa sari-sari store.

CREDITS: Heart Evangelista| IG

Masayang-masaya nga si Heart sa kanyang pamimili at nakipagsabayan sa mga taong namili rin sa nasabing sari-sari store. Makikitang tuwang-tuwa si Heart nang makita ang paborito niyang strawberry biscuit. Dahil nga dito, ay biglang bumalik ang kanyang masayang alaala noong bata pa lamang siya at hindi rin naiwasan ni Heart ang mamiss ang kanyang yaya.

CREDITS: Heart Evangelista| IG

“Ang saya sayaaaa. Brings back my childhood memories. Missing my yaya,”saad ni Heart.

Makikita rin sa ibinahaging video ni Heart ng kanyang pamimili sa sari-sari store, na maliban sa biscuit ay bumili rin siya ng chichirya. Umiral naman ang pagiging bukas palad ni Heart, dahil ang mga kasabayan niyang mamili sa sari-sari store ay nilibre rin niya.

CREDITS: Heart Evangelista| IG

Ilan nga sa kanyang nilibre ay ang isang bata at matandang lalaki na binilhan niya ng chocolate drink. May isang lalaki naman ang napadaan sa sari-sari store at bumili ng energy drink. At makikita na nilibre rin ito ni Heart, kahit na hindi niya gaanong naintindihan ang sinabi nito.

Nakakatuwa nga ang naging reaksyon ni Heart sa kanyang pamimili sa sari-sari store. At kitang-kita naman sa mukha ni Heart na masayang-masaya siya sa kanyang ginawang challenge dahil sa wakas nga ay naranasan na rin niyang mamili sa sari-sari store na tulad ng ginagawa ng ordinaryong Pilipino.

CREDITS: Heart Evangelista| IG

Marami nga sa mga netizens ang talagang natuwa at kinagiliwan ang aktres sa kanyang ginawang challenge. Hindi na rin lingid sa kaalaman ng publiko ang pagiging sosyal ni Heart, na mahilig sa mamahaling bagay. Ilang ulit na rin ngang naghatid ng aliw si Heart sa publiko sa kanyang mga pakulo na kung saan nga ay hindi nawawala ang pagiging sosyal at fashionista sa paggawa ng mga bagay na ordinaryo lamang para sa ilan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *