“Habang Bata pa Mag-start na tayo” Isang Ama, Nagpatayo ng kanyang Pangarap na Retirement House sa Edad na 40

Minsa ba sumagi na sa isip nyo ang magiging plano nyo kapag kayo ay nagretiro? Para sa 49 taon gulang na Quality Control Inspector na si Mang Alvin Mamalayan minsan sumagi sa isip niya na hindi ideal sa kanyang retirement years ang bahay na tinitirhan niya dati sa Calamba Home dahil masikip diumano dito, kung saan hindi niya ma imagine na tumanda doon dahil ang tanging gagawin niya lang ay ang manood ng Telebisyon.

Aniya, “Yung place namin d’on medyo masikip,” “Sabi ko, hindi ko ma-imagine yung sarili ko kapag edad ko, doon ako tatanda. Wala akong gagawin d’on kundi manood ng TV.”

Photo credits: OG

Kaya naman si Mang Alvin at ang kanyang asawa ay nagdesisyon na galawin ang kanilang kunting ipon at bumili ng lupa kung saan may maluwag na bakuran para sa kanilang pagtanda ay mayroon silang magagalawan at may mapaglilibangan.

Noon una ay marami ang naging negatibo sa kanilang desisyon lalo na ang mga malalapit nilang kamag-anak, dahil nga sa malayo ang lugar at malaki pa ang magagastos nila dahil sa wala pang bahay ang nabili nilang lupa.

“Nung kami ay bumili ng lote dito, nagtaasan sila ng kilay,” “Sabi, ‘Ba’t ka bibili diyan, ang layo-layo? Wala pang bahay ‘yan, ang dami pang aayusin.”

Hindi naging madali para sa mag-asawa ang naging desisyon nila, pero kahit na marami ang nagduda, pinursige pa din nila na idevelop ang kanilang lupang nabili kung saan nagtayo muna sila ng pansamantalang nipa hut na matutuluyan kapag sila ay bumibisita dito.

Photo credits: OG

Photo credits: OG

2021 ng magsimulang magplano ang mag-asawa para itayo ang kanilang dream retirement home, kung saan talagang nagtipid sila ng husto upang makaipon at mapasimulan na nila ang patrabaho. Madalas din umano silang manood ng mga youtube video at larawan sa pinterest patungkol sa mga disenyo ng bahay, kaya naman dito sila nakakuha ng ideya.

“Marami akong mga na-encounter na kung kailan talaga nag-retire, ‘saka lang magsisimula, e sabi ko, ‘Habang bata pa, mag-start na tayo ng savings. Para ‘pag nakaipon tayo, puwede tayong magpasimula.'”

Photo credits: OG

Nagdesisyon ang mag-asawa na magpagawa ng 7×7 tiny house, kung saan hindi sila masyado gagastos ng malaki pero mapapaganda nila ng husto. Tumagal ng halos tatlong buwan lang ang pagpapatayo ng mag-asawa mula July hangang Octobre.

Balak din ng mag-asawa na magpatayo sa future ng maliit na swimming pool kung saan pwede nila magamit especially kung may mga bibisita sakanilang mga kamag-anak at kaibigan. Gumastos ang mag-asawa ng mahigit kumulang 900 libong piso sa labor at furnishing. Samantala yung mga dating nagduda sakanila at may mga kumentong masyadong malayo ang lugar, ngayon gustong gusto na pumunta sa kanila para mag bakasyon, dahil nga daw sobrang ganda doon at tahimik, presko ang hangin.

Photo credits: OG

Photo credits: OG

Photo credits: OG

Photo credits: OG

Photo credits: OG

Photo credits: OG

Sino nga ba naman ang ayaw sa tahanan na tahimik at may magandang kapaligiran diba? Talagang nakakahanga si Tatay Alvin dahil pinursige niya ang kanyang pangarap na retirement house, ngayon wala na siyang masyadong iisipin at eenjoyin niya nalang ang kanilang mga pinaghirapan.

Why Moving Into a Tiny House Might Be a Good Retirement Plan | Unique Homes | OG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *