Grade 10 Student Kumikita na ng Higit Kumulang P100,000 Kada Buwan sa Pagbebenta ng Kaniyang Kangkong Chips

Sa panahon ngayon ilan sa mga kabataan ay ang tanging alam lang ay gadget, computer, barkada, gimik at huminge ng baon sa kanilang mga magulang, pero sa Grade 12 na estudyanteng kinilala na si Josh Mojica kumikita na ito ng limpak limpak na salapi dahil sa kanyang naisip na negosyo.

Photo credits: Jessica Soho | Youtube

Alam niyo ba ang kaniyang puhunan? mahigit dalawangpong bugkos lang naman ng kangkong. Kwento ni Josh na ang recipe ng kaniyang kangkong chips ay nakuha niya sakaniyang tiyahin na niluto nito noong kaarawan ng kaniyang mahal na lolo na sobrang close niya at laging nagbibigay sakaniya ng pangaral kung paano umangat sa buhay.

Photo credits: Jessica Soho | Youtube

Kwento ni Josh na naalala niya pa ang mga pangaral sakanya ng kaniyang lolo na madalas nitong sinasabi na tandaan nitong hindi madali ang buhay kaya dapat wag nitong bababaan ang kaniyang pangarap. Kaya naman simula noon iba na mag-isip si Josh at ang laging nasa isip niya ay kung paano aangat sa buhay. Madaming plano si Josh sa buhay at ang tanging nasaisip niya ay kung paano niya lahat ng ito maeexecute.

Kinareer ni Josh ang pagbebenta ng kangkong chips kung saan siya mismo ang nagluluto, nagpapackaging pati narin pag aadvertise online. Hanggang may nagorder sakanya na isang tao ng 400 pirasong kangkong chips kung saan nagustohan ito ng mga nakatikim at napa tweet ang kanyang buyer na dahilan naman para magviral ang kaniyang produkto.

Photo credits: Jessica Soho | Youtube

Photo credits: Jessica Soho | Youtube

Madami ang nakakita nito dahilan upang mas dumami pa ang costumers at orders ni Josh. Ang kaniyang naipong lang dati na P3,000 pesos sa pagbebenta ng kakong chips, ngayon kumikita na ng mahigit kumulang P100,000 sa isang buwan.

Ngayon mayroon na rin siyang mga staff kung saan may katulong na siya sa kaniyang Kangkong chip Business, nagpatayo nadin siya ng isang maliit na factory malapit sakanilang bahay. Nakabili nadin si Josh ng bagong laptop mula sakaniyang kinikita.

Photo credits: Jessica Soho | Youtube

Binibigyan niya din ng pera ang kaniyang ina na bahagi ng kaniyang kinikita, ngunit ang nakakalungkot lang na ang madalas magbigay sakanya ng pangaral at nagbibigay ng inspirasyon na kaniyang lolo ay pumanaw na.

Photo credits: Jessica Soho | Youtube

Photo credits: Jessica Soho | Youtube

Ngunit lahat ng kanyang tagumpay na tinatamasa ngayon ay sobrang ipinagpapasalamat niya sa kaniyang yumaong lolo.

Photo credits: Jessica Soho | Youtube

Simple man ay sobrang sarap naman ng Kangkong Chips ni Josh kung saan madami itong flavor katulad ng, Original, Cheese, Sour Cream, Barbecue at Spicy flavor.

Payo naman ni josh sa mga kabataan na katulad niya na nagagarap din magkaroon ng negosyo na wag matakot dahil ang maturity ay galing sa pagkakamali, kung maaga daw kayong magkakamali maaga ka ding matototo. Isa si josh sa mga kabataang dapat natin idolohin at gawing inspirasyon upang makapagisip din kung paano maging isang negosyante ng maaga.

Kapuso Mo, Jessica Soho: PAANO YUMAMAN NGAYONG 2022?

 

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *