Estudyanteng Maagang Nabuntis at Iniwan ng Partner, Pinatunayan sa mga Tao na Nang Husga sakanya na Mali Sila sa Panghuhusga Sakanya

Mapapansin natin na sa panahon ngayon, ay marami na sa mga kabataan ang maagang napapasok sa resposibilidad ng pagiging isang magulang, dahil sa maaga nilang pakikipagrelasyon.
Sa kadahilanang ito, ay hindi maiiwasan na marami sa lipunan, ang sadyang hinuhusgahan ang mga kabataan na maagang nabubuntis at nagiging magulang, at ang ilan pa sa kanila ay nakakarinig ng salitang “ay malabo ng makapagtapos ng pag-aaral yan”, dahil sa sila’y mayroon ng anak na kailangan nilang mas pagtuunan ng pansin kaysa sa pag-aaral.

Ngunit hindi nga naman lahat ng maagang naging ina o nag-aaral pa ay ina na, ay hindi nakakapagtapos ng pag-aaral.

Kamakailan lamang ay isang kolehiyala ang proud na ibinahagi ang kwento ng kanyang matagumpay na pagtatapos sa kolehiyo, ito ay sa kabila ng maraming panghuhusga na kanyang naranasan dahil siya’y nabuntis nong nag-aaral siya at masakit pa nito ay iniwan siya ng kanyang nobyo na nakabuntis sa kanya.

Ibinahagi ng netizens na si Krichell, na hindi naging madali ang pinagdaanan niya sa kanyang buhay kolehiyala, ito ay dahil sa naging pagbubuntis niya sa kanyang anak habang siya’y nag-aaral sa kolehiyo, at dagdag hirap pa nga sa kanyag naranasan ay ng iwan siya ng kanyang nobyo na siyang ama ng kanyang anak.

Sa kabila ng mga naranasan at kahit mahirap ang naging kalagayan at sitwasyon ni Krichell, ay hindi ito naging rason ng dalaga upang hindi ipagpatuloy ang kanyang pangarap na makapagtapos sa kolehiyo, sa kursong Civil Engineering.

“Mahirap maging single mom, yung wala kang aasahan kundi sarili mo. Kailangan mong magpakatatag para sa anak mo. Tipong papasok ka sa work sa umaga, tapos hapon pasok sa school. Kailangan mo magwork para matustusan lahat ng pangangailangan ng anak mo.”

Photo credits: Facebook

Base nga sa naging saad ni Krichell, kinailangan niyang pagsabayin ang kanyang pag-aaral at pagtatrabaho, ito ay upang bilang isang ina ay magawa niyang suportahan at maibigay ang nga pangangailangan ng kanyang anak, at habang ginagawa ito ay kailangan niya rin ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral, upang sa hinaharap ay mas magkaroon sila ng magandang buhay ng kanyang anak, at maipagmalaki siya nito.

Dahil rin sa naging pagtitiis at pagsusumikap ni Krichell, ay naging posible nga para sa dalaga ang kanyang pangarap, kung saan ay nagawa niyang makapagtapos ng kolehiyo kahit na nga ba sa kanyang buhay, ay minsan na siyang nadapa.

“Madalas ako nakakaramdam ng pagod noon, pero hindi ako pwedeng sumuko kasi may bata ng umaasa sa akin. Kailangan kong magpakatatag para sa kanya. Sisikapin kong nakagraduate para sa anak ko, para mabigyan ko siyabng magandang buhay at oara balang araw ay maging proud siya sa akin. Sa lahat ng sacrifices ko”, ang naging saad nga ni Krichell. 

Photo credits: Facebook

Hindi naman nakalimutang pasalamatan ni Krichell ang kanyang pamilya, na sa kabila ng pagkakadapa niya sa kanyang buhay, ay hindi siya pinabayaan ay iniwanan kailanman. Pinasalamatan rin ng dalaga ang ating Poong Maykapal, na kung saan para sa kanya ay ang Diyos talaga ang kanyang naging sandalan at lakas sa panahon na siya’y nakakaramdam ng oagkapagod at pagsuko sa buhay, dahil sa lahat ng kanyang pibagdaanan.

Nagbigay rin ng payo si Krichell sa mga katulad niya, na ngayon ay dumaraan sa sitwasyon na pinagdaanan niya, at ito nga ay ang mabuntis habang nag-aaral.

Ayon nga kay Krichell, ay hindi madali ang mapasok sa ganung sitwasyon, kung kaya’ t mayroon talagang nga bagay na pumapasok sa ating isip upang takasan ang ganitong problema, tulad ng pagpapalaglag, ngunit ito umano ay mali at isang kasalanan, kung saan sa bandang huli ay baka inyo pang pagsisihan.

Para rin kay Krichell, sa buhay ay sadyang may pagkakataon na mararanasan natin ang madapa, ngunit sa pagkakadapa ay dapat matuto tayong bumangon, na kung saan lahat ng hirap na ating naranasan, ay gawin nating inspirasyon at motibasyon upang pag-igihan pa natin ang pagtupad sa ating mga pangarap.

“Advice ko lang WAG NA WAG NIYONG GAGAWIN YUN, kasi at the end of the day, kayo lang din mahihirapan. Baka mamaya magkaron pa ng kapansanan anak niyo. Andiyan na eh, tuloy lang ang laban. Ganoon talaga ang buhay, minsan nadadapa. Pero babangon tayo, at lalaban pa din.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *