Eleganteng 2-Storey House ng Aktres na si Cristine Reyes, Ipinasilip

Ilan sa mga single na artista ngayon ay ipinapasilip ang kani-kanilang sariling bahay. At dahil nga ito ang kanilang tahanan habang wala pa silang asawa at pamilya, talagang repleksiyon ang mga tahanan na ito ng kanilang personalidad. Ipinasilip din naman ng aktres na si Cristine Reyes ang kaniyang naging tahanan sa Parañaque City noong siya ay dalaga pa.

Credits: Cristine Reyes| IG

Ayon kay Cristine, ito ang kaniyang naging tahanan matapos masira ng Bagyong Ondoy ang kanilang bahay sa Marikina City. Personal din siyang tumulong sa renovation ng bahay na ito kasama ang ilang interior designers. Ilan sa kaniyang mga naging trabaho ay ang pagpili ng color palette at furnitures para dito.

Photo credits to the owner

Sa living room makikitang kulay puti ang mga furnitures. Maingat din ang pagpili ni Cristine sa mga ito upang magmukhang malawak ang espasyo. Dagdag pa dito, ginamit din niya ang maliit na espasyo malapit sa hagdan upang paglagyan ng mga dekorasyon. Nakatulong din ito upang mas makatipid sa espasyo.

Photo credits to the owner

Sa dining area naman makikita ang kulay puti at berdeng tema. Agaw-pansin din ang marmol na mesa at ang mga upuan na gawa sa leather. Simple naman ngunit kumpleto sa mga kagamitan ang kusina ng bahay. Dagdag sa puting kulay nito ay ang mga dekorasyon na gawa sa kahoy.

Isa ring karagdagan sa bahay na ito ang entertainment room. Dahil sa hilig ni Cristine sa iba’t ibang mga pelikula, talagang siniguro niya na mayroong entertainment room ang kaniyang bahay. Siniguro din niyang komportable ang mga taong gagamit sa kwarto na ito. Tila nasa isang sinehan din ang mga taong manunuod dito dahil sa napakalaking telebisyon at sofa.

Photo credits to the owner

Talagang napakaganda ng bawat kwarto sa bahay na ito ngunit hindi magpapahuli ang sariling kwarto ni Cristine. Kulay puti at cream ang tema ng kwarto na ito. Maging ang kaniyang kama at mga furnitures ay pasok sa temang ito. Mayroon ding maliit na upuan at mesa sa balkonahe ng kaniyang kwarto kung saan makikita niya ang napakagandang view.

Photo credits to the owner

Kumpara naman sa ibang kwarto ng bahay, puti at matingkad na pula ang tema ng kaniyang banyo. Gaya naman ng karamihang artista gaya ni Cristine, mahalaga ang kanilang walk-in closet kung saan makikita ang kanilang mga damit para sa kanilang mga palabas. Kaya naman sa bahay ni Cristine, mukhang glamoroso ang kaniyang walk-in closet dahil sa kulay rosas at puti nitong kulay. Mayroon din itong eleganteng chandelier kaya naman nagmukha itong mamahaling boutique.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *