Doll Dresses Maker na Si Alvin Ocampo, Isa ng Full Pledge Fashion Designer na Ngayon

Kung noon ay mga Barbie dolls lamang ang binibihisan ng 28-taong gulang na si Alvin Ocampo, ngayon nga ay unti-unti na niyang natutupad ang pangarap niyang maging full pledge fashion designer, dahil ilang mga aspiring beauty queens na rin ang kanyang ginagawa ng mga kasuotan.

Photo credits: Alvin Ocampo| IG

Unang nakilala si Alvin ng gawan niya ng model replica ang isinuot na gown ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo sa pagdiriwang nito ng kanyang ika-18 taong kaarawan o yung nag-debut nga ito. Maliban pa dito, ay ilang mga replicas din ng kasuotan ng iba’t ibang artista ang ginawa ni Alvin, tulad na lamang nina Heart Evangelista, Marian Rivera, Maja Salvador at Enchong Dee.

Photo credits: Alvin Ocampo| IG

Ang angking husay at galing ni Alvin sa paglikha ng mga kasuotan ay una niyang naipamalas nga sa pag gawa niya ng mga damit para sa Barbie dolls. Sa katunayan ay mayroon nga siyang mga doll versions ng mga beauty queens, tulad nina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss Universe 2018 Catriona Gray, Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, at marami pang iba.Nito lamang ika-7 ng Marso taon ng kasalukuyan ay nakapanayam ng PEP.ph o Philippine Entertaiment Portal si Alvin sa pamamagitan ng Zoom interview, at dito ay inilahad niya na siya nga ay isang dekada ng doll enthusiast.

Photo credits: Alvin Ocampo| IG

“I started making dolls since 2011. Until now, siyempre, gumagawa pa rin.
“Pero mas madalas akong gumagawa nung hindi pa ako gumagawa ng pang-tao.”
Ayon pa kay Alvin, nagsimula ang lahat ng ito dahil sa hilig niya na pagdo-drawing ng mga nais niyang designs para sa kanyang mga dolls, gaya na lamang nina Francis Libiran at Michael Cinco. At dito na din umani niya naisip na bakit hindi niya subukan ang gumawa ng mga replicas para sa mga dolls, total hindi pa nga siya nakakagawa ng pang tao. At dito na nga nagsimula ang lahat ng kung ano man ang mga narating niya ngayon sa kanyang karera.
“Then naisip ko, ‘Why not try to do their designs as replicas for dolls since di naman ako nakakagawa ng pang-tao? Why not make it in a doll version?’
“And ngayon, the rest is history.”

Pagbabahagi pa niya, hindi niya talaga inakala na mapapansin ng mga kilalang personalidad ang mga likha niyang kasuotan, kahit na ito nga ay nasa doll version pa lamang. Saad pa niya, ang isa nga sa mga pinaka-remarkable para sa kanya ay ang naging compliment sa kanya ng aktres at fashion icon na si Heart Evangelista.

Photo credits: Alvin Ocampo| IG

“Siguro ang pinaka-remarkable [compliment] sa akin yung kay Heart Evangelista, na sinabi niya na dapat ganito na lang yung mga pinapansin ngayon sa social media, more on art… parang something like that.
“Siyempre, Heart Evangelista iyon. Hindi ko in-expect na mapapansin niya ako and sobrang appreciative niya.

Nagtapos ng kursong Tourism Management sa Far East University noon buwan ng Abril taong 2014 si Alvin, at ayon sa kanya noon pa mang nag-aaral siya, ay marami na ang nakapapansin sa kanilang paaralan ng ganda ng mga sketches na kanyang ginagawa.

Photo credits: Alvin Ocampo| IG

Pagkukwento pa niya, nagsimula nga siyang mapansin ng publiko ng gawin niya ang replica ng debut gown ni Kathryn Bernardo, kung saan ay kasunod na nito ang iba’t ibang mga offer sa kanya. Tulad na lamang ng kinomisyon siya ng store department ng isang TV network na gumawa ng 100 pieces ng dressed dolls at pati isang clothing brand ay kinomisyon din siya na gumawa ng 100 dressed dolls.

Photo credits: Alvin Ocampo| IG

Pareho namang tinanggihan ni Alvin ang mga offer na ito sa kanya, dahil nga sa hindi pa niya ginagawang negosyo ang pagawa ng dressed dolls at ito nga ay hilig lang niya talaga.
Ang inoohan naman ni Alvin ay ang pag-exhibit ng kanyang doll creations kung saan ay kasama niya rito ang Mattel, ang creator ng Barbie Doll.

Nakagawa siya ng dalawang themed exhibits sa Lucky China Town Mall at SM North Edsa.Dahil nga sa mga magagandang nangyayari sa karera niya sa paglika ng mga kasuotan, ay kumuha na ng kursong fashion designer noong taong 2019 si Alvin, at ngayon ay pina-practice na nga niya ito.

Photo credits: Alvin Ocampo| IG

“Nag-start akong gumawa ng dress February 2020, bago mag-pandemic, so bago-bago lang.
And unang nabihisan ko si Miss Philippines International Hannah Arnold. Nakakatuwa din,” ngiti ni Alvin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *