Dating Singer na si Rachell Ann Go, May Pa House Tour sa kanilang Bagong Tahanan na Nabili nila ng Kanyang Asawa sa London

Kaliwa’t kanan na sa social media ang nakikita nating mga video house tour ng ating mga hinahangaang mga artista. Ito ay upang magbigay update sa kanilang mga tagahanga, at ibahagi sa mga ito ang bahay na kanilang naipundar na bunga ng kanilang pagsusumikap.

Isa na nga sa mga hinahangaang singer ang nagbukas ng kanyang tahanan, kung saan ay masaya niyang ibinahagi sa kanyang mga tagahanga ang kanyang napakagandang cozy home, sa ibang bansa
Ibinahagi ng singer na si Rachel Ann Go sa kanyang mga tagahanga, at mga netizens, ang bahay na nabili nila ng kanyang asawang si Martin Spies, at ito nga ay sa napakagandang bansa ng London.

Photo credits: Rachell Ann Go | Youtube

Photo credits: Rachell Ann Go | Youtube

Photo credits: Rachell Ann Go | Youtube

Sa isa ngang video house tour ay ipinakita ni Rachell Ann, ang mga paborito niyang lugar sa kanilang tahanan, at ilan sa mga ito ay ang living room, kitchen, conservatory at ang garden.

“I’m happy that I’m able to share with you out little house, here in London. Kahit malayo ako, nai-share ko na rin sa inyo, final”, ang naging bungad nga ni Rachell.

Photo credits: Rachell Ann Go | Youtube

Makikita nga sa video na ang bagong bahay na nabili ni Rachell at ng asawa nitong si Martin, ay inaayos pa.

“Slowly, inaayos pa namin. It’s not yet done, but we’re happy, we’re comfortable in this house especially si Martin. He loves the graden. That’s his favorite part”, pagbabahagi pa ni Rachell.

Photo credits: Rachell Ann Go | Youtube

Ayon pa nga sa West End Diva, una pa lang daw na naitapak nila ng kanyang asawa ang kanilang paa sa nasabing bahay, ay talaga namang naramdaman na nila ang pagkagusto nila sa bahay na ito.
Maliban pa nga umano sa magandang ambiance na mayroon ang naturang bahay, isa pa sa mga nagustuhan ng mag-asawa rito, ay dahil sa tila tulad ito ng mga tahanan na nakikita nila sa mga countryside.

Photo credits: Rachell Ann Go | Youtube

Hindi pa nga ipinakita ni Rachell Ann, ang ikalawang palapag ng kanilang tahanan, ngunit ayon sa kanya, ay muli niyang ipapakita ang kabuuan ng tahanan nilang mag-asawa, pag tuluyan ng natapos ang pag-aayos nito.

Photo credits: Rachell Ann Go | Youtube

Matatandaan na si Rachell Ann Go, ay dating Kapamilya Network mula taong 2004, kung saan siya ay naging mainstay sa long-running Sunday variety show na ASAP, hanggang 2010 bago pa man siya lumipat sa kabilang estasyon,

Photo credits: Rachell Ann Go | Youtube

Hindi naman nagtagal, taong 2014, ay minabuti ni Rachell na tuparin ang kanyang matagal ng pangarap at ito ay ang magkaroon ng international career, at ito ay natupad mula ng lumabas siya sa West End revivals of Miss Saigon, Les Miserables at Hamilton.

Taong 2018 naman ng magpakasal si Rachell Ann Go sa kanyang asawa na si Martin Spies, at ang kanila ngang intimate wedding ay ginanap sa napakagandang Isla ng Boracay sa Pilipinas.

London House Tour—Mini version! | Rachelle Ann Go

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *