Dating OFW, Kumikita na Ngayon ng P10,000 Hanggang P50,000 sa Pamamagitan ng Pagbebenta ng kanyang Gawang Baked Goods

Marami sa ating mga OFW ang kumakayod ng husto sa ibang bansa para kumita ng sapat na pera at ng may maipadala para sakanilang pamilya, ilan sakanila ay nagsasakripisyo sa ibang bansa kahit na ang iba ay dumadanas ng pangaabuso para lamang makaipon ng malaking halaga ng pera at makapag simula ng negosyo, upang hindi na bumalik sa ibang bansa at makapagsimula ng panibagong buhay kasama ang kanilang pamilya.

Isang Former Overseas Filipino Worker ang nakahanap ng perpektong negosyo para sakanya na ngayon ay kumikita na ng P10,000 hanggang P50,000 sa loob lang ng isang araw sa pamamagitan ng pag babake ng ibat-ibang klase ng cakes at baked goods. Dahil sakanyang tagumpay na nakamit sa negosyong ito ay nagbigay siya ng inspiring tips kung paano nga ba magsimula sa larangan na ito ng pag nenegosyo.

Photo credits: Gem Victoria | Facebook

Si Gem Victoria ay dating OFW na nahanap ang kanyang hilig sa pag babaked ng cake simula ng siya ay umattend sa personality and lifestyle class.

Ayon sakanya,

“I started attending lifestyle classes at dun ko po an discover and hilig ko sa baking,

Photo credits: Gem Victoria | Facebook

Photo credits: Gem Victoria | Facebook

Nagsimula siyang magventure sa pagbabaked ng cake ng nakuha niya na at napagaralan ang tamang proseso ng pagbabaked ng cake, ng magkaroon na siya ng tamang idea at kaalaman sa klase ng negosyong ito ay binuksan niya na ang kanyang negosyo na tinawag niyang Sweet Escaked at nagsimulang magbenta ng mga mini cakes.

Kagaya ng ilang mga online seller, ipinost ni Gem ang kanyang mga gawang cake sa social media upang ipromote ito hanggang makakuha na siya ng maraming inquiry and costumers.

“Nagpost po ako ng picture ng mga an bake ko at unti-unti may mga suporta na mag-order,”

Photo credits: Gem Victoria | Facebook

Dahil sa dedikasyon, tiyaga at sipag ni Gem, ang dating home based business niya noon ay lumalawak na ngayon, dahil may 3 branches na sya sa bulacan habang may 21 distributor naman siya sa buong luzon.

Photo credits: Gem Victoria | Facebook

Yung dating kinikita niya ng isang buwan sa pagtratrabaho sa ibang bansa noon ay kinikita niya na ngayon sa loob lang ng isang araw, at ang higit na mahalaga pa dito ay gustong gusto niya kung ano ang ginagawa niya at sobrang nag eenjoy siya dito.

Photo credits: Gem Victoria | Facebook

Isa si Gem Victoria sa mga kahanga hangang tao na dapat maging inspirasyon kung saan nag risk siya na iwan ang trabaho sa ibang bansa para bumuo ng pangarap dito sa pinas kasama ang kanyang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *