Dating Nagbebenta ng Sampaguita at Tubig sa Pitsel sa Riles ng Tren, Isa na Ngayong Milyonarya na may Sariling Kumpanya

Isa si nanay Zenaida “Zenny” Corcuera sa nagpapatunay ay hindi habang buhay mahirap ang isang tao matapos itong matagumpay na makaahon sa hirap dahil sa kanyang pagsusumikap sa pag nenegosyo.

Photo credits: My Puhunan | Youtube

Kinilala si Nanay Zenny bilang ‘Mani Queen’ matapos itong yumaman dahil sa kanyang mani business. Kwento ni Nanay Zenny na nangaling siya sa isang mahirap na pamilya kung saan 12 silang magkakapatid at natutulog lamang sa may riles ng tren. Dahil salat sa hirap, sa murang edad ay natutu ng maghanap buhay si nanay zenny kung saan nagtinda siya ng sampaguita at tubig na maiinom sa may istasyon ng tren.

 

Photo credits: My Puhunan | Youtube

Anim na taong gulang noon si nanay zenny ng magumpisa siya maging isang entrepreneur, natuto siya sa pagtitinda. Walang puhunan si nanay zenny noon kaya ang ginagawa niya ay nanghihinge lang siya ng sampaguita sa kanilang kapit bahay kung saan iniipon niya ito at siya na mismo ang nagaayos para mailako, ang tubig naman na kanyang benebenta ay nakalagay lang sa pitsel at hindi bottled water.

Photo credits: My Puhunan | Youtube

Dahil hirap ang kanyang mga magulang at walang maibigay na pera sakanila, naglalako si nanay zenny ng kanyang paninda hanggang sa huling byahe ng train kahit pa siya abutin ng gabi.

Nang makaipon ng kaunti mula sa kanyang kinita sa pagbebenta ng sampaguita at tubig, ay nagsimula ng maginvest si nanay zenny sa pagbebenta ng mani, at habang tumatagal napapansin ni nanay zenny na mas malaki ang kanyang kinikita sa pagbebenta ng mani kaysa sa sampaguita at tubig kaya naman nagfocus siya dito.

Photo credits: My Puhunan | Youtube

Sino bang magaakala na yung dating sampaguita at water vendor ay isang successfull na businesswoman na ngayon na may sarili ng kompanya. Dahil sa sipag at tiyaga, nakapagexpand si nanay zenny ng kanyang negosyo na ngayon ay isa ng kompanya na gumagawa ng packed peanuts, at iba pang pasalubong gaya ng kakanin at kung ano ano pa.

Maliban jan ay mageexpand na din si nanay zenny ng kanyang produkto sa ibang bansa. Isa si nanay Zenny sa mga kahanga hangang tao na maganda gawing inspirasyon. Hindi biro ang pinagdaanan ni nanay zenny para maabot niya ang tagumpay na tinatamasa niya ngayon. Mabuhay ka nanay zenny sana maging inspirasyon sa maraming naghihirap na kababayan natin ang iyong kwento.

My Puhunan: From a tindera to a successful businesswoman

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *