Dating Batang Kalye, Ngayon Isa ng Matagumpay na Business Owner, Kumikita ng P300,000 at may 6 na Branches na siya ng Kanyang Burger Shop

Ilan sa mga successful businessman sa Pilipinas ay dumaan muna sa hirap bago nila nakamit ang tagumpay sa pagnenegosyo na kanilang tinatamasa ngayon. Katulad nalang ng isang negosyanteng nagmula din sa hirap at dating nanirahan sa kalye.

Kinilala ang inspiring businessman na ito na si Roy Villegas na malayong malayo na ang buhay ngayon sa kanyang kinagisnan noon. Dating basurero si Roy at nanunuluyan lang kung saan saan, madalas sa mga kalye lang sa ibat-ibang lugar. Ngayon isa nang matagumpay na negosyante si Roy kung saan nagmamayari na siya ngayon ng isang burger shop na kumikita ng mahigit kumulang P300,000 sa isang buwan.

Photo credits: Roy Villegas | Facebook

Kwento ni Roy na bata palang siya ay ibat-ibang trabaho na ang kaniyang pinapasukan,

“So dati kasi, may barkada ako, yung best friend ko si JC. Kung anu-ano ang ginagawa namin. Minsan, nag-aalok kami ng linis-puntod. Kahit ano basta magkaroon lang ng pagkakakitaan,”

“Kasi nasa kalsada kami, e. Bale choice na namin na tumira sa kalsada,”

Photo credits: Roy Villegas | Facebook

Pagbabahagi ni Roy na noong magkokolehiyo na siya naging varsity siya sa kanyang iskwelahan, ito ang naging daan niya upang maitawid ang kanyang pag-aaral kung saan naka graduate naman siya. Pagcocoach naman ng basketball ibat-ibang basketball team ang kanyang naging trabaho nang siya ay makagraduate at ito ang kaniyang naging stable job.

Pero hindi kuntento si Roy sa trabaho niyang ito at matagal niya ng pangarap ang magnegosyo, aminado din si Roy na hindi sapat ang kinikita niya sa pag cocoaching para buhayin ang kanyang lumalaking pamilya lalo nat magkakaroon na sila ng anak noon, kaya naman ang naitago at natitira nilang savings noong matapos manganak ang kaniyang asawa na nagkakahalaga ng P10,000 ay kanyang isinugal sa pagnenegosyo kung saan ginamit niya ito para itayo ang kanyang burgershop business na tinawag niyang Uncle Roy’s Burger.

Photo credits: Roy Villegas | Facebook

Hindi naging madali para kay Roy ang mga unang buwan ng kanyang business, dito napagtanto niya na hindi ganoon kadali ang mag-simula ng isang negosyo, halos tatlong buwan din na wala siyang nakukuhang kita sa kanyang negosyo.

“Three months iyon lugi, e. So, walang bumibili. So, parang nalulugi pa ako ng PHP 2,000 a month,” pagbabahagi niya.

Photo credits: Roy Villegas | Facebook

Pero hindi nawalan ng pag-asa si Roy at hindi pinanghinaan ng loob at naging determinado siya na mapagtatagumpayan niya ang kanyang negosyo. Dahil hindi niya sinukuan ang kanyang itinayong negosyo ngayon tinatamasa niya na ang tagumpay. Mayroon na siya ngayong anim na branches ng kanyang Burger shop.

Photo credits: Roy Villegas | Facebook

Nagbigay naman ng payo si Roy sa mga taong gusto din magsimula ng kanilang negosyo,

“If meron kayong naiisip, do a calculated risk. Never back down. Lagi mong piliin na maniwala sa sarili mo, at eventually yung hard work mo, with honesty, magbubunga iyan, no matter what.”

Sa pagnenegosyo talaga ang kailangan ay malakas ang loob magrisk at talagang wag susukuan dahil sa huli siguradong lahat ng inyong pinaghirapan ay mapapalitan ng ginhawa.

My Puhunan: Bulalo sa Banga

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *