Dating Aktres at Host na si Kris Aquino, Nagbigay ng Update Ukol sakanyang Health Condition, Sumailalim sa Preliminary Medical Test

Hindi madali para sa dating primyadong aktres at tv host na si Kris Aquino ang kanyang mga pinagdaraanan, pero super saya nitong ibinahagi ang naging resulta ng kanyang preliminary medical exam, kung saan puro naging maganda ang resulta ng kanyang medical exam.

Ayon sa aktres ay sumailalim siya sa mga medical examination procedure kabilang ang Endoscopy, PET/CT Scan at biopsy kung saan masaya niyang ibinahagi na walang natagpuan na tumor o knser sa kanyang katawan, at healthy at in good shape din diumano ang kanyang puso.

Photo credits: Kris Aquino | IG

Gayunpaman ayon sa aktres na nagkaroon siya ng erosive gastritis at gastric ulcer. Ayon pa sa dating aktres na kinunan din diumano siya ng bone marrow fluid na hanggang ngayon ay hindi pa lumalabas ang resulta.

“I won’t lie to you, there’s this parang nabugbog nang bongga feeling in my lower spine BUT apart from my medicinal limitations, halos wala na kasi akong fat to help ‘CUSHION’ my bones. Kaya EXAG ang sakit, skin then diretso sa buto. Process and hit or miss para makahanap ng okay na pwesto ‘pag hihiga at kung uupo,” pagbabahagi pa ni Kris.

“I constantly remind myself: To keep thanking God since my current pain is temporary. Malalagpasan rin kaya bawal umangal, maraming mas malalang pinagdadaanan, at may hinihintay pang mga resulta kaya manahimik, magpasalamat, at patuloy na magdasal.”

Dagdag pa ng dating host at aktres na,

“ALL the doctors taking care of me said different versions of this: PLEASE TRY TO EAT MORE, RELAX, BREATHE FRESH AIR, and ATTEMPT to start recreational walking. Since we are traveling to consult with more allergy, immunology, and hematology experts—they said to please make it a true HEALTH AND WELLNESS trip. Iregalo ko raw sa sarili at sa mga anak ko.”

Sobra din ang pasasalamat ni Kris sa kanyang mga doktor na hindi siya pinapabayaan at talagang inaalagaan ng husto. Pinasalamatan din ni Kris ang ilan sa kanyang mga malalapit na kaibigan na anjan para sumuporta para sakanyang mabilis na pagaling, katulad ng kanyang matalik na kaibigan na si Angel Locsin na madalas siyang dinadalaw at kinakamusta.

Photo credits: Kris Aquino | IG

“Maraming salamat po for caring about my FAMILY and praying with all of us. God bless you. May the Almighty always protect you and those closest to your hearts,”

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *