Celebrity Mom na si Mariel Padilla Masyadong Ginalingan ang 1st Live Selling, Humakot ng 5.3 Million Views sa Unang Live Selling Online

Isa sa mga homebased na pinagkakakitaan ngayon ng maraming mga mommy ay ang pag online selling o live selling. Kung saan malaki naman talaga ang naitutulong nito sa kanila, dahil maliban nga sa nasusubaybayan nila ang kanilang mga anak at nagagawa nila ang iba pang gawaing bahay ay kumikita pa sila pangdagdag sa kanilang pinansyal na pangangailangan.

CREDITS: Mariel Padilla| IG  

Ang celebrity mom na si Mariel Padilla ay isa na rin nga ngayon sa mga personalidad sa showbiz na kinakarir ang pagiging fulltime mommy, at nito lamang nakaraan ay masayang inanunsyo ni Mariel sa marami niyang mga tagahanga at tagasubaybay na magkakaroon siya ng live selling ng mga mga personal collection niya.
Ayon kay Mariel bagsak presyo ang mga personal collection nya na ila-live selling, kaya naman hinikayat niya ang lahat ng mga netiyens na mag-abang ng kanyang live.

CREDITS: Mariel Padilla| IG  

“This is it!!!!!!!!!!!!!!!!!! Tonight i will fulfill my dream to be an online live seller!!! I have been watching live sellers almost everyday haha (I swear it’s add1ct1ng!!!) and at 9pm tonight on my Instagram and Facebook I will go live and mga Sis pwedeng pwede na kayo mag “MINE” all from my personal collection seeeeee youuuu!!! All bagsak floor price to the maaaax!!!”, saad ni Mariel.

CREDITS: Mariel Padilla| IG  

Pagpatak nga ng alas-9 ng gabi ng ika-5 ng Marso taon ng kasalukuyan ay sinimulan nga ng misis ni Robin Padilla ang kanyang live selling.
Masyado namang ginalingan ng celebrity mom na si Mariel Padilla ang kanyang kauna-unahang pagla-live selling, kaya naman ito ay talagang tinangkilik ng maraming mga netizens at umabot pa sa 5.3 million ang kanyang mga viewers. Umabot naman ng halos 200 thousand ang kanyang live peek viewers sa Facebook at iba pa ang nasa Instagram.

CREDITS: Mariel Padilla| IG  

Dahil sa talaga namang magaganda at magagara ang mga personal collection na ibinenta ni Mariel sa kanynag 1st live selling, idagdag pa na bagsak presyo ito, ay marami ngang mga netizens sa ating bansa at maging sa ibang bansa ang tumangkilik nito.
Samantala, ibinahagi naman ni Mariel ang kanyang damdamin sa una niyang live selling, at ayon nga sa kanya ay dito niya napagtanto na hindi pala madali ang pagiging isang online seller.

CREDITS: Mariel Padilla| IG  

“Mahirap pala maging online seller, nakakapaos”, saad nga ni Mariel.
Proud naman kay Mariel nag mister nitong si Robin Padilla, na kasalukuyan nga ay tunatakbong senador ng ating bansa para sa 2022 Elections. Ayon kay Robin ay proud siya sa kanyang misis na malaki ang sakripisyo para sa kanyang pangangampanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *