Batang Nangangalakal, Labis Ang Tuwa Matapos Makatanggap Ng Gitara Mula Sa Isang Music Store

Sa gitna ng pandemya ay marami sa atin nakaranas ng matinding hirap. Ngunit, sa kabila nga nito ay hindi naman hadlang para mapawi ang ating lungkot at maghatid ng saya sa ating kapwa. Katulad na lamang nga ng kwento ng dose anyos na si John Mark Cabasag na nabigyang katuparan ang magkaroon ng tunay na gitara matapos bigyan ng may-ari ng isang music store.

Photo credits to the owner

Si John Mark Cabasag ay residente ng Tuguegarao City at kilala sa kanilang lugar bilang kalakal boy. Si John Mark ay mahilig mag-drawing ng gitara sa karton na kanyang kinukuha sa tindahan ng mag-asawang Marta at Valentin na nagmamay-ari ng isang music store.

At ang ginagawang ito ni John Mark sa tuwing kumukuha ng scrap ng karton sa kanilang tindahan ay umagaw sa atensyon ng mag-asawang Marta at Valentin Lim. Naantig ang puso ng mag-asawa sa bata kung kaya’t binigyan nila ito ng bago at tunay na gitara.

Photo credits to the owner

Ayon pa kay Marta si John Mark ang kumukuha ng mga karton na pinaglagyan nila ng mga paninda sa kanilang tindahan. Dagdag pa nito kinukulit siya ng bata kung meron silang sirang gitara upang gawing gayahan ng bata sa pagbuo ng pangarap na gitara.

“Bale noon pa po, lagi nang sinasabi sa akin ng ate niya na kaya niyang gumawa ng replica ng anything. So, nanghihingi siya lagi ng karton sa akin”, kwento ni Marta.

Tunay ngang may tanging kakayahan ang bata, nagpupursige at desididong makamit ang pangarap kahit na sa maliit na bagay kagaya ng paggawa ng replica ng gitara gamit lamang ang karton mula sa tindahan ng mag-asawa.

“One time, nag-request siya na i-trace ko yung ukulele sa karton para daw gagawa siya ng ukulele made out of box”, saad ni Marta.

Photo credits to the owner

Subalit wala silang sirang gitara na maibigay kay John Mark. At dahil nais ng mag-asawang mapasaya at maisakatuparan ang pangarap ng bata ay bukal sa puso nilang binigyan ng bagong gitara ang batang si John Mark. Bilang kapalit, hiniling ni Marta sa bata gawan sya ng replica upang maidisplay ang gawa ng bata sa tindahan nila at matulungan itong isanay at makilala ang kanyang gawa.

Sa isang Facebook post noong October 19, 2021 ay ibinahagi ng mag-asawa kung paano nilang napasaya si John Mark matapos matanggap ang bago at tunay na gitara.

Photo credits to the owner

“Happy yarn!”

“Sabi po Kase nya, marunong daw po cya gumawa ng guitar model out of karton.”

“Sabi ko Sige nga igawa mo ako pang display ko sa studio. Sabi nya dapat daw May kopyahan.”

“So, Ayan. Binigyan ng kopyahan. Meaning yung wood guitar ko papalitan nya ng karton na guitar. Hindi naman ako lugi no?”

“Oo. Hindi ako lugi kase sa sobrang saya Lang ng batang yan… panalo na ako.”

Masayang-masaya naman si John Mark, dahil nabigyang katuparan ang pangarap niyang magkaroon ng gitara. Ayon naman sa bata, ay mag-aaral siya tumugtog ng gitara at kumanta.

“Wala namang negosyong hindi umiiyak sa panahon ngayon, eh. Pero para sa akin, hindi ‘yon sapat na dahilan para huminto tayo na tumulong sa mas nangangailangan,”pahayag pa ni Marta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *