Baby sa Sinapupunan ni Angeline Quinto 8 Months na, Masayang Ibinahagi ang Gender ng kanyang Healthy Baby

Walang pagsidlan ng tuwa ang soon to be mommy na si Angeline Quinto, dahil ang sanggol na sa kanyang sinapupunan ay malapit na niyang masilayan.

Hindi nga maitago ni Angge ang kanyang excitement sa pagdating ng kanyang panganay na anak. At ilang buwan lamang nga ay nakalipas magmula nang ianunsiyo niya ang kanyang pagbubuntis, kamakailan lamang ay nagbigay siya ng updates sa kanyang mga tagahanga tungkol sa kanyang pagbubuntis.

Sa kanyang Instagram account, ay ibinahagi ni Angge ang isang maikling video kung saan masisilayan ang nakakatuwang paggalaw ng kanyang baby sa kanyang tyan. Kalakip naman ng video clip ay napakagandang larawan ni Angge na kuha sa kanyang maternity photoshoot. Masisilayan nga sa litrato ang natatanging kagandahan ni Angge.

Kapansin-pansin naman na malaki na rin ang umbok ng tyan ni Angge, at ito nga ay dahil 31 weeks na nga ang kanyang ipinagbubuntis. Sa caption naman ng kanyang post, ay masayang ibinahagi ni Angge na ang kanyang baby boy ay “growing healthy and strong”. Pag-amin rin ni Angge sa kanyang post, ay hindi na nga siya makapaghintay na makita ang kanyang anak.

“I’m 31 weeks pregnant and counting kicks… Came from my doctor today and happy to share with all of you that my baby boy is growing healthy and strong! I can’t wait to meet you anak,” caption sa kanyang post.

Matatandaan na noong nakaraang buwan ng Disyembre, ay kinumpira ni Angge sa isang interview kay Boy Abunda ang kanyang pagbubuntis. Bagama’t, nakasalang na si Angge sa nasabing panayam, ay naging maingat siya sa kanyang kasagutan patungkol sa katauhan ng ama ng kanyang anak. Ngunit, sa kabila nito ay naikwento naman ni Angge ang tungkol sa kanilang relasyon at kung paanong nagsimula ang kanilang pag-iibigan.

“Nakilala ko siya, Tito Boy, dahil kaibigan po siya ‘nung boyfriend din ng kaibigan ko sa Sampaloc, Manila po. Non-showbiz po. Tapos, ‘nung nagkita kami isang beses, hanggang sa nagkaroon ng communication po, nagtuluy-tuloy. So ngayon, Tito Boy.”

Tila naman nagkaroon na rin ng lakas loob si Angge na ipakilala na sa publiko ang kanyang non-showbiz boyfriend. Sa wakas nga, ay ibinahagi na rin ni Angge sa kanyang Instagram ang larawan ng ama ng kanyang anak na kuha sa kanyang maternity photoshoot.

Bilang first time mom nga ay makikita na talagang ginagawa ni Angge ang lahat para sa ikabubuti ng kanyang magiging anak. At sa darating na buwan ng Abril nga ay masisilayan na ni Angge at ng kanyang non-showbiz boyfriend ang kanilang panganay na anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *