Angeline Quinto, Excited Na Sa Pagdating Ng Kanyang Baby Boy, Naghahanda At Namimili Na Ng Mga Gamit Nito Online

Ang singer-actress at winner ng Star Power na si Angeline Quinto ay ibinahagi ang excitement at kasihayang nadarama sa kanyang pagbubuntis. Napabalita ang pagpanaw ni Mama Bob na ina ng singer at ito ay nagdulot ng labis na pagdadalamhati sa kanya. Ngunit, ang biyayang dumating sa kanyang buhay ay siyang pumawi sa kanyang kalungkutan at nagbigay rason upang magpatuloy sa buhay.

Bilang isang soon to be mommy at first time mom, ay doble pag-iingat ng singer sa paglabas at pamimili ng gamit ng kanyang baby para sa nalalapit nitong kapanganakan dahil narin sa kumakalat na sakit na dulot ng Covid 19.

Kaya naman, tinitiyak nga ni Angge na ang kaligtasan ang inuuna niya para sa kanyang anak.

At upang makaiwas siya sa nakakahawang sakit, at maging ligtas silang mag-ina ay mas pinili ni Angge ang mamili ng mga gamit ng kanyang baby boy sa pamamagitan ng oniline shopping. Hindi na nga nagdalawang isip pa si Angge na namili ng mga gamit ng kanyang baby sa kilala at subok na online shops. Bagama’t unang beses palang niyang masubukan ang mamili sa online sinusuri niya ang bawat bibilhin para sa kanyang first born na baby boy.

Ayon nga kay Angge “Sobrang excited ako, sobrang excited na excited ako kasi ilang buwan nalang makikita na natin ang aking baby boy.”

Ibinahagi rin ni Angge na pinayuhan siya ng kanyang doctor na isang buwan pa lamang bago sumapit ang kanyang due date, ay dapat naihanda na niya ang mga gamit na kinakailangan sa kanyang panganganak. Ipinakita naman ni Angge ang ilan sa kanyang mga nabili online kagaya na lamang ng baby diaper bag, baby wrap carrier, postpartum girdles, cotton balls, grooming kit, at marami pang iba.

Tunay ngang wala ng hihigit pa sa kasihayan ng isang inang nais masilayan ang kanyang anak sa mundo at bigyan ito ng makulay na buhay. Sa nasabing vlog rin ay hindi sinasadya ni Angge na mabanggi ang pangalan ng kanyang baby boy na tinawag niyang “Sylvio”.

Nakakatuwa na ang bawat bahagi ng kwento ni Angge ay bukas niyang kwenikwento sa kanyang mga tagahanga. Mula sa pamimili ng mga gamit at paghahandang kanyang ginagawa sa nalalapit niyang pagsilang. Sa katunayan naman niyo ay nagawa pang magbiro ni Angge na ang ilan sa kanyang inorder ay 2023 pa ang dating.

Ang pagiging ina ay hindi madali, kung saan nga ay maraming responsibilidad ang naghihintay katulad kay Angge na soon to be mom ng kanyang baby boy. Maraming pagdadaanang paghihirap mula sa panganganak hanggang sa pagpapalaki. Ngunit sa kabila nito, ay mapapawi ang pagod ng ina sa bawat ngiti ng kanyang anak. Wala na ngang hihigit pa sa inang na ang tanging hangad ay para sa ikakabuti ng kanyang anak.

Online Shopping for Baby! | Love Angeline Quinto

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *