“Ang Kwento ko ay Nagsimula sa Limang Daan” Lalaking Nabankrupt, Muling Bumangon sa Halagang Limang Daang Piso, Ngayon isa ng Milyonaryo

Hindi madali magtayo ng negosyo, isa ito sa pinaka malaking risk na pwede mong sugalan, pwedeng matalo at pwede ding manalo, walang kasiguraduhan kung ano ang magiging kapalaran ng iyong negosyong tinayo.

Habang andun ang risk at ang hirap ng pagpapatayo ng negosyo, mas mahirap naman na maituturing ang pag mamanage dito kung saan kailangan mo itong mapanatiling buhay at kumikita, para ma panatili ang pagpasok ng pera at mabawi ang iyong pinuhunan.

Para sa isang netizen na kinilalang si Alvin Vince Sahagun, hindi naging madali sakanya na patakbuhin ang printing press ng kanyang pamilya kung saan ito ang pinagmumulan ng kita ng kanilang pamilya. Mas naging mahirap para kay Vince nang may mga pumasok na international competitors kung saan napansin niya nalang noong huli na bankrupt na siya at baon na baon sa utang.

Umabot na siya sa punto na hindi na siya umuuwi sakanilang bahay dahil pinagtataguan nito ang kanyang mga kaibigan, kamag-anak at kapitbahay na kanyang pinagkakautangan. Dumating din sa punto si Vince na gusto niya ng sumuko.

“Nawalan ako ng karangalan ng time na yun. Minsan di na ako umuuwi ng bahay para magtago. Minsan ko na rin naisipan na mawala na lang sa mundo,” pagbabahagi ni Vince sa interview niya sa Rated Korina.

Dahil hindi na alam ni Vince kung ano ang kanyang gagawin, pumunta siya sa isang chapel at doon nagdasal kung saan huminge siya ng tulong sa panginoon at nagdasal.

Pero ang mga sumunod na nangyari ang nagbago ng kanyang buhay, ng pagising niya may nakita siyang 500 daang piso sa kanyang kamay. Kung saan ito ang ginamit niya para muling bumangon.

Sa halagang 500 piso, sinubukan ni vince na maging isang reseller ng mga health supplement products, kung saan dito na nga siya naging matagumpay na isang businessman nang  humakot siya ng napakaraming costumer.

Dahil sa kanyang naging matagumpay na kwento ng buhay, nagsimula maging inspirasyon si Vince sa mga taong katulad niya dati na dumaan sa hirap ng buhay, kung saan nagbabahagi na siya ngayon ng mga inspiring stories, at nagtuturo din siya sa mga aspiring entrepreneurs kung paano emanage ang kanilang finances.

Ibinahagi din ni vince na,

“Ang kwento ko ay nagsimula sa limaang daan. At naniniwala ako na hindi pera ang nagpapayaman sa tao. Kung ano ang gagawin mo sa pera ang magpapabago sa buhay mo.”

Vince Sahagun AVP

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *