“And then you’re gonna cry again” Summer, Ibinuking ang Kanyang Mommy LJ sa Pagiging Iyakin Nito

Kung ang pag-uusapan ay kakulitan, kabibohan at ka-charmingan, hindi magpapahuli riyan ang bunsong anak ni LJ Reyes na si Summer. Si Summer ay ang anak ni LJ sa dating partner nito na si Paolo Contis.Sa kasalukuyan ay nasa bansang Amerika si LJ kasama ang kanyang anak na sina Aki at Summer, kung saan doon nga sila ngayon naninirahan matapos ang naging kontrobersyal na paghihiwalayan nila ng dating karelasyon na si Paolo Contis.

CREDITS: LJ Reyes| IG

At sa halos ilang buwan na rin nga na pamamalagi sa nasabing bansa ng mag-ina ay makikita ngang maayos na ang kanilang buhay doon at unti-unti na ngang nakakalimot sa hindi magandang pangyayari na kanilang pinagdaanan. Madalas na ngang magbahagi si LJ ng mga larawan nilang mag-ina, kagaya na lamang ng mga bonding moments nila.

CREDITS: LJ Reyes| IG

Samantala, sa pinaka bagong Instagram post ni LJ ay kanya namang ibinahagi ang isang video kung saan ay makikita ang kanyang anak na si Summer. Maririnig nga sa naturang video na kausap ni LJ ang anak, at at bigla na lamang hindi magkamayaw sa kakatawa ang aktres dahil sa hindi niya inaasahan na pambubuking sa kanya ng bunsong anak.

CREDITS: LJ Reyes| IG

Sa naturang video clip nga ay kausap ni LJ si Summer, kung saan tinanong niya ang anak kung sino ang pinasasalamatan nito.
Kaagad namang tinugon ni Summer ang tanong na ito ng kanyang ina, at sinabi ngang thankful siya sa kanyang Mommy LJ dahil sa pag-aalaga at pagmamahal nito sa kanya.

CREDITS: LJ Reyes| IG

Nagbigay saya naman kay LJ ang itinuran na ito sa kanya ng anak niyang si Summer. Ngunit hindi nagtagal ay bigla na lamang ngang may idinugtong si Summer na talaga namang nagpahalakhak kay LJ, at ito nga ay ang pagbubuking ng kanyang anak ng pagiging iyakin niya.

“And then you’re gonna cry again, Oh my goodness!!” nakangising saad ni Summer. At doon na nga tawang tawa si LJ.
Kaagad namang kinagiliwan ng maraming netizens at kapwa celebrity ni LJ ang pagiging madaldal na ito ni Summer. Ang iba ay pinuri pa ang napaka-cute na english accent ng anak nga na ito ng aktres.
“Angg cuteeeee ung english accent nya lalo naging cuteeeee”
“Oh my goodnesssss i love you summer”
“Ang cute ni summer..”and then you will cry again oh my goodness
“Oh my goodness soo cute, Summer! I’m gonna cry too”

Tunay ngang kakagigil ang kakyutan ni Summer at ang pagiging madaldal nito, buking tuloy si Mommy LJ.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *