4P’s Iskolar, Isa Nang Ganap na Engineer! Tunghayan ang Kuwento ng Pagpupursige Niya Para Matupad ang Pinangarap Niyang Tagumpay

Hindi nga naman biro ang nagagastos ngayon sa pag-aaral lalo na pagdating sa kolehiyo, kaya naman talagang isa sa mga kinakailangan na tulong ng ating mga kababayan na kapos sa kahirapan mula sa ating gobyerno ay ang isang ahensya na makakatulong sa pagkakaroon ng maganda at libreng edukasyon para sa kanilang mga anak.

Photo credits: Marvin Arnoza | FB

Isa nga sa mga programa ngayon ng pamahalaan na nakakatulong sa ating ilan nating mga kababayan na mapagtapos ang kanilang anak sa kolehiyo sa kabila ng kahirapan ay ang tinatawag na 4P’s scholarship program.Ang ngayon ay Engineer ng si Marvin Arnoza ay isa lamang sa mga mag-aaral na lumaki sa kahirapan na hindi pinalampas ang oportunidad na makapagtapos ng kanyang pag-aaral sa pamamagitan ng pag-avail ng 4P’s program ng ating pamahalaan.

Photo credits: Marvin Arnoza | FB

Malaki ang naging pasasalamat niya sa lahat ng mga kababayan natin na nagbabayad ng buwis, sapagkat ito ang nakatulong sa kanya upang matagumpay niyang matapos ang kanyang pag-aaral, at makamit niya ang pangarap niyang maging isang engineer.Ayon nga sa 23-taong gulang na si Eng. Marvin Arnoza, ay malaki ang kanyang pasasalamat sa lahat ng tax payers sa ating bansa [Pilipinas. Bilang isa nga sa mga beneficiary ng 4P’s (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) ay batid niya na ang buwis ng taong bayan ang dahilan ng naging pagtatapos niya sa pag-aaral.

Photo credits: Marvin Arnoza | FB

Noon ngang nakaraang taon ika-26 ng Agosto, ay nakapanayam ng PEP.Ph si Marvin, at dito ay ibinahagi niya ang kanyang buhay bago pa man siya nagsimulang mag-aral hanggang sa matagumpay nga siyang makapagtapos sa kolehiyo.

“Kabilang po ang aming pamilya sa beneficiary ng 4Ps na programa ng gobyerno.
“Pagsasaka at pagkokopra po ang ikinabubuhay ng aming pamilya—isang kahig, isang tuka.
“Madalas, hirap kami na makakain nang tatlong beses sa maghapon, lalo na kapag may kalamidad o kaya naman ay matumal ang ani.”

Photo credits: Marvin Arnoza | FB

Kuwento pa ni Marvin sa kabila ng pagkakaroon ng ayuda mula sa gobyerno ay nahirapan pa rin siya sa mga gastusin sa kanyang pag-aaral, kaya naman bukod sa ayuda na nakukuha niya mula sa gobyerno, tuwing semestral break ay nagtatrabaho siya.

Nagkokopra siya o di kaya naman ay nakikiani ng palay imbis na magpahinga, ito ay upang pagbalik niya ng ubibersidad ay may pandagdag gastos siya sa mga gastusin.
Aminado din siya na noon ay dumating din sa punto na muntik na siyang mawalan ng pag-asa , ngunit maliban sa kanyang pamilya ay nagpalakas din ng kanyang loob ang sinabi sa kanya ng isa niyang kaibigan noon.

“Tumatak yun sa akin. Sabi niya, ‘We’re living in the same generation, but not with the same experience.’”, ani Marvin.

Photo credits: Marvin Arnoza | FB

Makikita naman sa ilang mga larawan kung gaano nga kasaya si Marvin ng araw na siya ay makapagtapos sa kanyang pag-aaral, kung saan kasama niya pa sa naturang larawan ang kanyang ina.
Ngayon nga ay proud si Marvin na ibahagi sa lahat, na nagbunga na ang lahat ng pagpupursige niya sa buhay, dahil ngayon ay isa na nga siyang ganap na inhinyero.

“Ngayon isa na po akong Inhinyero at ito po ang gusto kong ipagpasalamat sa inyo. Gusto kong iparating na may magandang naidudulot po ang buwis ninyo.
“Salamat po…”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *