22 Taon Gulang na Dalaga, Kinonvert ang Kanilang Lumang Multicab sa Foodtruck, Kumikita na Ngayon ng P100,000 hanggang P200,000 kada Buwan sa Pagbebenta ng Sandwiches

Hindi madali ang pagnenegosyo, madami ang kailangang isaalang alang dito at ilan nga dito ay ang oras, pera, pagod. Pero masaya ang pagnenegosyo lalo na kapag nakikita mo na ang iyong pinaghirapan na puhunan na inilagay mo saiyong negosyo ay unti unti nang lumalago at kumikita.

Katulad nalang ng 22 taon gulang na batang babaeng ito na taga General Santos City na lakas loob na namuhunan sa kanyang naisip na Food Truck Business na pinangalanan niyang Driveway Cafe. Kinilala ang dalaga na si Jade Cuaresma, naging inspirasyon si Jade sa social media matapos niyang ibahagi ang kanyang matagumpay na food truck business venture kung saan nagsimula siya sa pamamagitan ng pagcoconvert ng kanilang lumang multicab sa food truck.

Photo credits: Jade Cuaresma | Facebook

Photo credits: Jade Cuaresma | Facebook

Naglaan na ng investment si Jade sa mga kagamitan na kanyang kailangan sa halagang P100,000 at P30,000 naman para sakanyang subway sandwiches. Sa loob lamang ng ilang buwan, agad nabawi ni Jade ang kanyang kapital at unti unti ng itong kumita.

Photo credits: Jade Cuaresma | Facebook

Ayon kay Jade, nagsimula ang kanyang idea noong nagkapandemic, dahil restricted ang mga tao sa paglabas at pagkain sa mga restaurant naisipan ni Jade na gumawa nalang ng Foodtruck upang makapag benta ng makakain sa ibat-ibang lugar sa kanilang bayan kung saan mismong pagkain ang lalapit sakanila.

Photo credits: Jade Cuaresma | Facebook

Isa sa kanilang mga signature food na ibenebenta ay ang kanilang 16-inches subway  sandwich na hitik na hitik sa laman at sobrang sarap ang lasa. Pagbabahagi ni Jade na lahat ng nakalagay sa kanilang menu ay fresh na fresh ang pagkakagawa. Kahit ang kanilang mga buns na ginagamit sa sandwich ay freshly baked nila, pati narin ang mga sauce, patties at side dishes na laman ng kanilang burgers ay home made.

Photo credits: Jade Cuaresma | Facebook

Photo credits: Jade Cuaresma | Facebook

Ngayon kumikita na si Jade ng around P100,000 hanggang P200,000 sakanyang Foodtruck business na ito.

Photo credits: Jade Cuaresma | Facebook

Isa si Jade Cuaresma sa mga magandang gawing inspirasyon upang mamotivate at magkaroon ng lakas ng loob para ituloy ang mga pinapangarap niyong negosyo. Hindi pa huli para saatin ang makamit ang ating pinapangarap ng negosyo, ang kailangan lang talaga ay, tiyaga, pasensya, pagmamahal sa kung ano ang ginagawa mo at tiwala sa panginoon na hindi ka niya pababayaan pati na ang negosyo mong itatayo.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *