21 Taon Gulang na Binata, Ipinakita Kung Gaano Ka Profitable na Business ang Pagaalaga ng Kambing, Kumikita ng P10,000 Kada Buwan

Isang binata na tubong tarlac ang hinangaan matapos niya ipakita kung gaano kaganda at kung gaano kumikita ang negosyong pag-aalaga ng kambing. Kinilala ang 21 taon gulang na si Jomary Nuqui na isang goat raiser sa Concepcion Tarlac. Ibinahagi ng binata ang kanyang nakakainspire na kwento kung paano siya nag simula sa pag-aalaga ng kambing at kung magkano na nga ba ang kanyang kinikita ngayon.

Ayon kay Jomary, nagumpisa ang kanyang pag-aalaga ng kambing noong nagkaroon ng malawakang lockdown dahil sa pandemic, dahil walang source of income naisipan ng binata na magalaga ng kambing, dahil related ang kanyang kurso sa pag-aalaga ng mga hayop, nagkaroon ng magandang idea si Jomary upang pagkakitaan ito.

Photo credits: OG | Youtube

Si Jomary ay kasalukuyang nagaaral at kumukuha ng kursong BS Agricultural Major in Animal Science. Naging puhunan ni Jomary ang kanyang mga naipong pera para makapagsimula ng pagaalaga ng kambing, dahil ayon dito ay bata palang siya ay kinahiligan niya na ang pag-iipon kaya naman ngayong may naisip siyang magandang pagkakakitaan ay agad naman siyang nahugot na perang pang puhunan.

Dahil sa kinahiligan na ni Jomary ang pag-aalaga ng kambing, ibinahagi niya ang kanyang routine araw-araw na nagsisimula sa pagcheck sa kanyang mga alagang kambing kung ito ay may mga sakit, paglinis ng mga kulungan ng kanyang alaga, pag papadede sa kanyang mga batang kambing na kinakailangan pang padedein.

Photo credits: OG | Youtube

Siya din ang nagpapastol ng kanyang mga kambing kung saan pinapakawalan niya ito ng around 9 am to 10 am, kapag tanghali naman ay 12 noon hangang 1 ng hapon. Mga 5 naman ng hapon ang balik ng kanyang mga alaga sa kulungan.

Una sa naging inspirasyon ni Jomary sa pagnenegosyo ay ang kanyang mga magulang dahil gusto niya makatulong sa mga ito, ang pangalawa naman na kanyang inspirasyon ay ang agrikultura ng pilipinas dahil naniniwala diumano siya na sa agrikultura aangat ang bansang pilipinas.

Kwento ni Jomary na hindi naging madali ang kanyang pagsisimula sa pagnenegosyo dahil sa murang edad at sa kakulangan sa experience. Pero habang tumatagal at nagkakaroon ng kaalaman sa mga dapat gawin ay naging madali nalang sakanyan ang negosyong ito, naging suportado din ang kanyang pamilya sa kanyang pinasok na negosyo.

Photo credits: OG | Youtube

Payo naman ni Jomary sa mga gustong magsimula sa negosyong pagaalaga ng kambing na dapat aralin muna ng mabuti katulad nalang ang mga common diseases na maaring dumapo sa alagang kambing para kapag nangyari ito ay alam na agad kung ano ang mga dapat gawin. Dapat din mahalin kung ano ang inyong mga ginagawa sa pagfafarming, at dapat din magsakripisyo at magtiis para namang ang perang inilaan dito ay hindi masayang.

Photo credits: OG | Youtube

Pagbabahagi ni Jomary na nagsimula siya sa puhunang P11,500 para makabili ng 3 kambing, pero makalipas ang 2 taon mayroon na siyang 60 kambing na may total investment na P80,000. Patuloy ang pagpaparami ni Jomary ng kanyang mga kambing upang mas lumaki at domoble ang kanyang kita. Dagdag niya pa na kumikita siya sa pamamagitan ng pag brebreed at pag bebenta, o di naman meat type.

Photo credits: OG | Youtube

Kumikita naman siya ng more or less P10,000 a month sa pagbebenta ng kanyang mga nabreed na kambing.

Isa si Jomary sa mga kahanga hangang batang Aspiring Entrepreneur na talaga namang dapat tularan at idolohin.

21 Yr Old Entrepreneur Proves That Goat Farming Is a Lucrative Business | Real Stories Real People

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *