18 Taong Gulang na Estudyante, Nakapagpatayo ng Isang Shoe Restoration Business Mula sa 300 Pesos na Kapital

Kadalasan, ang mga negosyo ay nagsisimula dahil sa mga kinahihiligan nating bagay. Para sa estudyanteng si Allen Hale Jaguimit, una siyang nagkaroon ng interes sa mga sapatos nang makita niya ang sapatos ng kilalang singer na si Michael Jackson. Dahil sa kapos ang kanilang pamilya, nagtiyaga si Allen na mag-ipon mula sa kaniyang allowance upang makabili ng parehong sapatos.

Talagang nagtiis si Allen upang makuha ang sapatos na ito kaya naman pinag-aralan niya kung paano ang tamang pag-aalaga sa mga ganoong sapatos. Hindi nagtagal ay nagkaroon na siya ng sapat na kaalaman kung paano alagaan at ayusin ang iba’t ibang sapatos.

Photo credits: smartparenting

Noong 2019 nga ay nagsimula na siya sa kaniyang buy-and-sell at shoe restoration business. Isa sa una niyang nabili ay nagkakahalaga lamang ng 300 pesos ngunit matapos niya itong ayusin at pagandahin ay naibenta niya ito sa halagang 2,500 pesos. Ngayon nga ay mayroon na siyang naibentang 70 na sapatos. Isa sa pinakamahal niyang naibenta ay nagkakahalaga ng 9,600 pesos.

Photo credits: smartparenting

Photo credits: smartparenting

Sa laki ng kita ni Allen, ngayon ay may kakayahan na siyang bumili ng kaniyang sariling sapatos. Dahil dito, talagang ipinagmamalaki siya ng kaniyang nanay na si Michelle Jaguimit,

“Nakaka-proud na highschool palang may small business na siya. Para makahelp samin ng kapatid niya at para makapag-ipon para sa future niya.”

Photo credits: smartparenting

Photo credits: smartparenting

Dagdag pa ni Mommy Michelle, hindi rin tumitigil si Allen na madagdagan ang kaniyang kaalaman tungkol sa mga sapatos,

“Inaral niya yan eh. Gabi-gabi ‘yan na sa Youtube. Nag-join siya ng groups ng leather shoe restoration kasi gusto niya talaga malaman kung paano ma-maintain yung leather shoes niya kasi nasira nga ‘yung dati.”

Photo credits: smartparenting

Kwento pa ni Mommy Michelle, bata pa lamang ay business-minded na si Allen. Elementarya pa lamang ito ay nagbebenta na siya ng iba’t ibang produkto. Alam din niya ang kahalagahan ng pera kaya naman pinagsisikapan niyang kumita at makapag-ipon.

Photo credits: smartparenting

At dahil nakita ni Mommy Michelle ang interes at dedikasyon ng kaniyang anak sa negosyo na ito, tumutulong na rin siya upang mapalago ito. May mga pagkakataong humihingi si Allen ng payo at ibinibigay naman ito ni Mommy Michelle sa abot ng kaniyang makakaya.

Photo credits: smartparenting

Talagang kahanga-hanga ang batang negosyante na si Allen gayundin ang pagtutulungan nila ng kaniyang Mommy Michelle sa pagpapalago ng kaniyang munting negosyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *