Tingnan Ang Napakagandang Small House Na Naipatayo Ng Magkasintahang Ito Sa Cavite Sa Halagang Php280,000

Hindi nakaligtas sa mata ng netizens ang gandang hatid ng tiny house ng magkasintahang sina AB Magtulis at at Hazel Garcia na mula sa Cavite. Nais magkaroon ng dalawa ng isang lugar kung saan sila maaaring magrelaks at maging komportable sa kanilang trabaho kahit nasa bahay lang. Ngunit, sa halip na manirahan sa isang mamahaling condo unit sa gitna ng lungsod ay nagpasya ang dalawa na magpatayo na lamang ng isang munting bahay sa kapalit ng tahanan nina Hazel sa Cavite.

Naisakatuparan nga nina AB at Hazel ang pagpapatayo ng kanilang tiny house sa halagang P280,000 lamang. Hindi naman ito basta-bastang tiny house, dahil ito’y 2-storey house. Ito nga ay nakatayo sa loteng may sukat lamang na 6 sqm at may taas na 15 feet. Sa kabila ng maliit na espasyong ito, ay nagawang pagkasyahin nina AB at Hazel ang kanilang mga pangangailangan.

Photo credits: Team ABH | Youtube

Makikita nga sa loob nito ang kanilang work station kung saan nga ay komportable silang nakakapagtrabaho. Ang maliit ring bahay na ito ay may sariling living area kung saan sila pwedeng magrelaks. Mayroon rin itong sariling banyo at sa maliit naman nitong hagdan paakyat ay may makikita namang kama na nagsisilbing tulugan kapag nais nilang magpahinga.

Photo credits: Team ABH | Youtube

Photo credits: Team ABH | Youtube

Photo credits: Team ABH | Youtube

Kahit naman maliit ang bahay na ipinatayo nina AB at Hazel ay makikita namang plinano at pinag-isipan nila itong mabuti. Masisilayan nga sa loob nito na malinos at talagang nakaayos ang bawat kagamita. Bawat bahagi nga ng tiny house, ay talagang nagamit nila ang espasyo. Sa labas naman ng bahay, ay makikita ang maganda nitong disenyo na may temang malapit sa kalikasan na kulay green at brown.

Photo credits: Team ABH | Youtube

Photo credits: Team ABH | Youtube

Mapapansin nga na naghahalo ang kulay nito sa kapaligiran dahil sa berde nitong kulay. Agaw pansin rin ang rooftop nitong napakaganda ng pagkakagawa at komportable rin. Dahil nga sa napakagandang disenyo ng kanilang tiny house ay marami ang nais magpa-picture rito. Talaga namang hinahangaan ito ng maraming tao, at ilan nga ay nagtatanong pa raw sa kanila kung magkano ang kanilang nagastos.

Photo credits: Team ABH | Youtube

Samantala, hindi raw nila akalain na malaki ang magagastos nila sa pagpapagawa ng bahay. Ngunit, masaya namana ang dalawa sa naging resulta ng disenyo ng kanilang tiny house na kahit hindi sila kumuha ng architect at engineer, ay makikita naman na napakaganda at komportable ito para sa kanilang dalawa. Sa halaga namang P280,000 ay kasama na dito ang lahat ng kanilang mga kagamitan.

Ibinahagi naman nina Hazel at AB na ang tiny house, ay para lamang sa kanilang dalawa o sa mga walang pamilya. Ngunit, kapag nga ang magpapatayo ng bahay ay isang pamilya ay dapat na malaki na at maging ligtas rin sa mga bata.

Team ABH’s Tiny House Tour | Philippines (Part 1)

Team ABH’s Tiny House Tour | Philippines (Part 2)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *