The Voice Kids Champion Lyca Gairanod, Pinahanga ang Lahat sa Kanyang Angking Ganda Ngayong Siya ay Ganap ng Dalaga

Tunay namang ang estado ng buhay ng isang tao ay hindi permanente, ito ay maaring magbago depende sa kapalaran mo at sa kung paano mo babaguhin ang takbo ng buhay mo ayon sa iyong mga pinapangarap at nais na makamtan. Hindi nga naman ibig sabihin na ngayon ay tila pasan mo ang mundo, ay mananatiling ganito ang buhay mo, sapagkat kung iyo nga naman talagang pagsusumikapan na baguhina ng estado ng buhay mo ay posible itong mangyari.

Photo Credits: Lyca Gairanod| IG

Halimbawa na lamang nito ay ang kuwento ng buhay ng The Voids Kids Champion na si Lyca Gairanod, isang batang mangangalakal na laki sa hirap, at ngayon nga ay mayroon ng mas maayos na buhay dahil sa kanyang pagsusumikap na mabago ang estado ng buhay ng kanyang pamilya.

Photo Credits: Lyca Gairanod| IG

Matatandaan na unang narinig ng publiko ang pangalan ni Lyca ng siya ay mag-viral sa social media, ito ay matapos na ang isang netizens ay magbahagi ng video niya habang siya nga ay bumibirit sa pagkanta. Agad ngang nag-viral ang naturang video, sapagkat makikita nga rito ang musmus pang si Lyca at ang hitsura nito noon na mababakas ang pangangalakal ngunit maririnig naman ang nakakabilib ang taglay niyang husay sa pagkanta.

Photo Credits: Lyca Gairanod| IG

Si Lyca Gairanod ay lumaki sa mahirap na pamilya, kung saan ay talaga namang hirap sila kaya naman sa murang edad niya ay kinailangan niyang mangalakal ng basura upang makatulong sa kanyang mga magulang. Ang ama niya ay isang mangingisda, samantala isa namang mangangalakal ng basura ang kanyang ina.

Photo Credits: Lyca Gairanod| IG

Dahil nga sa naging pag-viral ni Lyca, ay dito na siya nagkaroon ng pagkakataon na makalahok sa isang patimpalak ng kantahan para sa mga batang tulad niya sa telebisyon. Siya nga ay naging kalahok ng The Voice Kids Philippines noon ng ABS-CBN, kung saan dito nga ay siya ang naging kampeon at ito na ang naging daan upang mas mabigyan niya ng maayos na buhay ang pamilya niya.

Photo Credits: Lyca Gairanod| IG

Kung noon nga ay talaga namang hirap sina Lyca, ngayon, ay nagagawa na niyang maibigay ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya. Nagagawa na rin niyang makatulong sa kanyang kapwa.
Matulin namang lumipas ang panahon, dahil kung noon ay nasilayan natin sa telebisyon si Lyca bilang isang musmos na bata, ngayon nga ay makikita na ang kanyang naging pag-glow up bilang isang napakaganda ng dalaga.

Photo Credits: Lyca Gairanod| IG

Mula nga sa pagiging musmos na bata na nangangalakal noon ng basura, ngayon ay hinahangaan siya hindi lang dahil sa kanyang napakagandang tinig kundi dahil din sa kanyang napakaganda ng mukha.
Sa kasalukuyan nga ay 17-taong gulang na si Lyca, at sa kanyang social media account kung saan madalas nga siyang magbahagi ng kanyang mga larawan at video, ay dito na nga makikita na ngayon ay ganap na siyang dalaga na may itinatagong ganda.

Photo Credits: Lyca Gairanod| IG

Hindi naman maiaalis na sa edad ngayon ng Lyca ay may mga umaaligid na sa kanyang manliligaw, ngunit ayon nga sa kanya, ay prayoridad niya ngayon ang kanyang pag-aaral at karera at wala pa nga sa kanyang isipan ang makipagrelasyon.

Photo Credits: Lyca Gairanod| IG

Sa edad na 17 nga ni Lyca ay tunay namang nakaka-proud na marami na siyang naipundar, hindi lang para sa kanyang sarili kundi para sa kanyang mahal na pamilya. Kamakailan nga lamang, ng masayang ibahagi ni Lyca sa publiko ang naging pagbili niya ng sarili niyang sasakyan, isa nga ito sa mga ari-arian na naipundar niya. Maliban sa kanyang pag-awit, ay abala rin ngayon si Lyca sa pagba-vlog, kung saan ito nga ang naging daan upang magawa niyang makapundar sa kanyang sariling sasakyan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *