Sulyapan ang Private Beach Resort ni Manny at Jinkee Pacquiao

Hindi na sekreto ang yaman ng mga Pacquiao. Dahil sa matagumpay na boxing career at pagiging pulitiko ni Manny Pacquiao, marami-rami na rin silang nakuhang mga property. Alam din ng publiko ang ilan sa mga mamahaling mga gamit ng kaniyang pamilya. Sa ilang pagkakataon nga ay ibinahagi ito ng kaniyang asawa na si Jinkee. Sa isang Youtube vlog naman ay ipinasilip ni Jinkee ang isang private beach resort na kanilang pagmamay-ari.

Makikita ang resort na ito sa Gumasa Beach sa Sarangani Province. Mayroon itong isang main resthouse at dalawang villas para sa pamilya ni Jinkee at Manny. Kwento ni Jinkee,

“Naglagay talaga kami ng dalawang villas para sa Jamora and for the Pacquiaos kasi kapag andito sina Mommy [Dionesia Pacquiao], kapatid ni Manny, kapatid ko, family ko, may kanya-kanyang room sila na puwede sila mag-stay.”

Photo credits: Jinkee Pacquiao | Youtube

Photo credits: Jinkee Pacquiao | Youtube

Pagpasok pa lamang sa mga villas ay sasalubong na agad ang malawak na garden at isang fish pond. Pagdating naman sa mismong resthouse, mapapansin ang asul at puting color palette gayundin ang mga dekorasyon na gawa sa kahoy. Malawak din ang master bedroom ng mag-asawa.

May kasama rin itong lounge kung saan namamalagi si Jinkee upang magbasa ng kaniyang bibliya. Ang iba pang kwarto ay tamang-tama rin ang espasyo kung saan kasya ang dalawang tao.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | Youtube

Photo credits: Jinkee Pacquiao | Youtube

Bukod sa mga villa, mayroon ding gazebo ang private beach resort na ito. Makikita ito malapit sa dagat. Ayon pa kay Jinkee, dito raw madalas na nagsasalo-salo ang pamilya para kumain. Dito rin nila ginaganap ang kanilang bible study at praise and worship. Simple lang din daw ito kumpara sa ilang kwarto sa resort,

“Bare lang siya, so dining table na lang natira. Kasi dati may sofa, may dining table. Kinuha lang namin. Kapag wala kami dito, kinuha lang namin, nilalagay lang namin sa bulwagan.”

May ilang espasyo rin ang resort kung saan maaaring makapag-ehersisyo si Jinkee. Hindi rin nila nakalimutang maglaan ng isang hall para sa kanilang mga bisita. Hindi rin mawawala ang pool sa resort na ito kung saan maaaring mag-enjoy ang kanilang mga anak. Makikita rin sa vlog ni Jinkee na nagkaroon sila ng pagkakataong sumakay sa yate.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | Youtube

Photo credits: Jinkee Pacquiao | Youtube

Totoong napakaganda ng property na ito bagamat pitong taon na ang lumipas nang itayo ito.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | Youtube

Maging ang mga netizens ay sang-ayon sa ganda ng resort.

Private Beach Tour

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *