Single Mother na Isang Tindera sa Palengke, Napagtapos ang Anak na May Kursong Medisina

Mahirap ang magpaaral ng anak sa kolehiyo lalo na kung ang kurso nito ay medisina. Ngunit nakakabilib ang mga magulang na hindi nagpahadlang sa kahirapan upang mapagtapos ang mga anak at matulungan silang maabot ang kanilang mga pangarap.

Photo credits: GMA News | YT

Katulad ng karamihang mga magulang, sinikap din ng fish vendor na si Nanita Ronquillo na mapagtapos ng pag-aaral ang kaniyang anak. Ayon kay Nanita, mag-isa na niyang binuhay ang kaniyang anak na si John Nico Ronquillo matapos nilang maghiwalay ng kaniyang asawa. Dito na rin nagsimula ang kaniyang pagiging tindera ng isda sa palengke.

Photo credits: GMA News | YT

Nagsisimula ang pagtitinda ni Nanita bago pa man sumikat ang araw. Dumarating siya sa palengke bandang alas singko ng umaga at nagtitinda siya hanggang tanghali. May pagkakataon naman na hindi kaagad nauubos ang kaniyang mga paninda kaya naman kung minsan ay inaabot siya ng alas sais ng gabi sa palengke.

Makikitang kahit may iniindang sakit sa puso ay patuloy pa rin ang pagtatrabaho ni Nanita. Sa maghapong pagtitinda niya ay kumikita siya ng halos P1,000 sa isang araw. Ngunit hindi lahat ng araw ay kumikita siya ng ganitong halaga.

Photo credits: GMA News | YT

Dahil sa hirap ng buhay, dumating din ang puntong huminto sa pag-aaral ang kaniyang anak. Dahil dito, umabot ng 6 na taon bago nakatapos ng pag-aaral ang anak ni Nanita.

Hindi naman naging hadlang ang kahirapan upang maipagpatuloy ni John Nico ang kaniyang pag-aaral ng medisina. Tuloy-tuloy ang pagsisikap at pagtatrabaho ni Nanita upang mapagtapos ng medisina ang anak samantalang ginawa naman ni John Nico ang lahat ng kaniyang makakaya upang makapagtapos.

Photo credits: GMA News | YT

At dahil nga sa pagtutulungan at pagpupursigi ng mag-ina ay nagbunga na ngayon ang kanilang mga sakripisyo. Sa wakas ay isa nang ganap na doktor si John Nico. Ngayon na nagtatrabaho na rin siya, tuloy-tuloy pa rin ang kaniyang pagsisipag upang maibalik sa kaniyang nanay ang lahat ng mga sakripisyo nito. Nais din niyang gamitin ang kaniyang kaalaman sa medisina upang makahanap ng gamot para sa sakit sa puso ng kaniyang nanay.

Photo credits: GMA News | YT

Isang inspirasyon ang kwento ng mag-inang sina Nanita at John Nico. Dahil sa kanilang pagtutulungan at kagustuhang umahon sa kahirapan, hindi sila nagpatalo sa anumang hamon kaya naman ngayon ay tinatamasa na nila ang bunga ng kanilang pagsisikap at pagtitiis.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *