Singer-Comedian na Si Kakai Bautista Nanggalaiti Matapos Makatanggap ng Disconnection Notice Mula sa MERALCO

Hindi nakapagpigil ang singer-comedian na si Kakai Bautista na magpahayag ng kanyang nadarama. Sa Instagram stories ni Kakai nito lamang ika-9 ng Pebrero ay naglabas ng kanyang panggagalaiti sa MERALCO si Kakai, ito ay matapos niyang makatanggap ng disconnection notice mula sa nasabing kumpanya.

Photo Credits: Kakai Bautista |IG

“@meralcoph gusto mo ng pagbabago pero ayaw mong ayusin ang sistema mo,” ito nga ang nanggigil na pahayag ng komedyante.

Photo Credits to the owner

Sa naging pahayag ni Kakai, ay nasabi nga niyang kailangang ayusin ng MERALCO ang kanilang sistema, ito ay matapos niyang makatanggap ng disconnection notice para sa kanyang electricity bill kung kailan malapit na umano ang due date niya.
Dagdag na saad pa nga ng singer-comedian, taong 2022 na ay tila hindi pa rin nga maayos ang sistema ng nasabing kumpanya.

Photo Credits: Kakai Bautista |IG

“Disconnection notice pag malapit na ang due pagkatapos mag-intay na dumating ang bill? Ayusin mo. 2022 na!”, saad pa ngani Kakai

Sa pagbabahagi rin na ito ni Kakai ng kanyang damdamin tungkol sa sistema ng MERALCO ay inilakip nga niya ang larawan ng kanyang electrill bill, kung saan ay agad ding mapapansin na may naka-attach dito na reconnection fee. Pahayag nga ng komedyante, maling-mali ang pinapairal na sistema ng naturang kumpanya, kaya naman, talagang nanggagalaiti siya.

Photo Credits to the owner

Ayon nga kay Kakai, matagal niyang hinintay ang electric bill, tapos matatanggap niya ito kung kailan malapit na mag-due, tas bigla na lamang ngang dumating sa kanyang ang disconnection fee niya.
Magmula nga ng sumiklab ang pandemya sa ating bansa ay nagkapatong-patong na nga ang bayaran sa electric bill ng iba nating mga kababayan. Hindi naman maipaliwanag ng MERALCO kung paano ba nila kino-compute ang ganitong mga bayarin ng kanilang consumer.

Photo Credits to the owner

Dahil sa marami rin tayong mga kababayan na nawalan ng hanapbuhay sa panahon ng pandemya, ay marami rin na sa kanila ang hanggang ngayon ay hinuhulugan pa rin ang kanilang nagpatong-patong na electric bill, kaya naman ng magbahagi si Kakai ng kanyang pagkadismaya sa MERALCO ay tila marami nga ang naka-relate sa komedyante.

Photo Credits: Kakai Bautista |IG

Si Kakai Bautista o sa tunay na buhay ay si Catherine Bautista, ay isang Filipina actress, host, singer at komedyante. Matatandaan na siya ay napabilang noon sa pelikulang “Hello, Love Goodbye”, isa sa mga naging highest-grossing film sa bansa na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Photo Credits: Kakai Bautista |IG

Sa kasalukuyan ay kabilang naman si Kakai sa mga magiging cast ng seryeng “First Lady” ng GMA-7 network, kung saan ito nga ay tila kuntinwasyon ng nauna nitong serye noon na “First Yaya”. Ayon sa ulat, e-ere sa telebisyon ang “First Lady” ngayong nalalapit na ika-14 ng Pebrero taong 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *