Silipin kung Gaano na nga ba Kayaman Ngayon ang Isang Jhong Hilario

Ang mga artista sa industriya ng showbiz ay itinuturing na isa sa pinakamayayamang mga personalidad. Dahil sa kanilang mga proyekto, shows, at endorsements, hindi maipagkakailang may kakayahan silang makapag-ipon ng malaking halaga o bumili ng iba’t ibang ari-arian. Ang iba pa sa kanila ay may ibang negosyo o propesyon sa labas ng showbiz. Dahil dito, nakakapagbakasyon sila sa iba’t ibang bansa, nakakabili ng mamahaling mga kagamitan, at nakakapagpundar ng magagarbong mga bahay.

Isa si Virgilio Viernes Hilario o mas kilala bilang Jhong Hilario sa mga pinakasikat at iniidolong artista. Una siyang nakilala dahil sa mahusay niyang stunts at pagsayaw bilang miyembro ng Streetboys. Unti-unti siyang sumikat at nakilala.

Photo credits: google.com

Bukod sa pagsasayaw, sinubukan niya ring umarte sa iba’t ibang mga pelikula gaya ng D’ Anothers. Hanggang sa kasalukuyan ay tuloy-tuloy pa rin ang buhos ng proyekto para sa aktor. Kinilala rin siya sa kaniyang mahusay na pagganap bilang isang kontrabidang karakter sa FPJ’s Ang Probinsyano. Nagkaroon din siya ng pagkakataon na maging isang hurado sa It’s Showtime.

Photo credits: google.com

Dahil sa kaniyang nakakaaliw na mga sample, kinagiliwan siya ng mga tao at kalaunan nga ay naging permanenteng host siya ng noontime show. Dito na nagsimula ang kaniyang pagiging host.

Photo credits: google.com

Dito rin siya binansagan bilang ‘Sample King’ dahil sa kaniyang natural na talento. Hinangaan din siya sa kaniyang nakakabilib na pagganap sa Your Face Sounds Familiar.

Dahil sa kaniyang husay sa industriya, hindi malayong magkaroon pa ng maraming proyekto si Jhong. Bukod pa sa kaniyang matagumpay na karera sa showbiz, naging inspirasyon ng 42 anyos na aktor ang kaniyang tatay sa pagtulong sa iba kaya naman napagdesisyunan niyang maging isang public servant sa Makati.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Dahil sa tagumpay at sipag ni Jhong sa anumang trabaho at proyekto, hindi na nakapagtataka na mayroon na siya ngayong net worth na nagkakahalaga ng P11 million.

Ang lahat ng yaman at pag-aari ng aktor na bunga ng kaniyang pagsisikap sa trabaho ay kaniya na ngayong tinatamasa.

Sapat na sapat ang yaman ni Jhong upang mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang partner na si Maia at anak na si Sarina.

Hindi na rin nakapagtataka na mayroon siyang napakagarang bahay para sa kaniyang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *