Silipin Ang Napakagandang Bahay Na Naipundar Ni Piolo Pascual Sa Amerika

Ang dahilan nga ng pagsusumikap ng bawat isa sa atin, ay para matupad ang inaasam nating mga pangarap sa buhay at magkaroon ng magandang kinabukasan. Kaya naman, sa bawat bagay na ginagawa natin ay sinasamahan natin ito ng sipag at tiyaga. Katulad na lamang ng aktor na si Piolo Pascual, na ngayon nga ay tinatamasa na ang bunga ng kanyang pagsisikap.

CREDOTS: Piolo Pascual | IG

Bilang isa sa pinakasikat na aktor sa industriya ng showbiz, kung saan nga ay nakagawa na ng maraming proyekto na nagpapatunay ng kanyang husay, ay hindi naman na nakapagtataka na marami rin siyang naipundar na ari-arian, hindi lamang sa Plipinas, kundi pati na rin sa ibang bansa.

CREDOTS: Piolo Pascual | IG

Isa na nga rito ang bahay na naipundar niya sa Amerika na talagang namang napakaganda at may kahanga-hangang disenyo. Dahil nga sa pagiging masinop at tamang paghawak sa perang kinikita ni Piolo sa pag-aartista ay nagawa niyang makabili ng bahay sa Amerika. Ito nga ay isang neo-electric house na matatagpuan sa Las Vegas, Nevada. Ang nabiling bahay na ito ni Piolo ay may lawak na 260 sqm. Masisilayan sa bahay ni Piolo ang kasimplehan, ngunit napakaganda naman pagmasdan ng disenyo nito na ang pasimuno ay ang kapatid ni Piolo na si Patricia.

Photo Credits to the owner

Kapag nais ngang pumunta ni Piolo sa Amerika para magbakasyon, ay dito na siya tumutuloy na kung saan nga ay swak na swak sa kanya para makapagpahinga at magrelaks. Tulad ng karamihang bahay sa Amerika, ang bahay rin ni Piolo ay walang gate. Kaakit-akit naman talaga ng disenyo ng tahanang ito ni Piolo kung saan sa living room ay agad na sasalubong ang off-white nitong disenyo. Makikita naman ang kulay kaki na sofa na nag-aanyaya sa mga bisita.

Photo Credits to the owner

Matatagpuan naman sa kanilang dining area ang six-seater dining table kung saan ang salamin nito ay bumagay naman sa kulay asul na pader. Bagama’t, napakaganda ng dining table na kinompleto ng chandelier, ay hindi naman nila ito madalas gamitin. Nakasanayan na ng pamilya ng aktor, ang kumain sa kusina o kaya naman ay sa round table.

Photo Credits to the owner

May entertainment area rin ang bahay na ito ni Piolo kung saan naman matatagpuan ang heart-shaped chairs na kulay pula at kulay itim na sofa. Napakaganda rin ng bedroom ng aktor na bukod sa maluwang, ay maayos at malinis ito. Matatagpuan dito ang queen-sized bed at mayroon ring recliner na mayroong foot massager. Ang bedroom ni Piolo ay may sarili ring banyo.

Photo Credits to the owner

Isa naman sa agaw pansin sa bahay ni Piolo ay ang bear-shaped swimming pool na sa laki nito ay halos sakupin na ang buong espasyo sa likod ng bahay ng aktor.

Photo Credits to the owner

Tunay nga na nagawang hawakan ni Piolo ang perang kanyang kinita sa pagtatrabaho. Isa nga itong napakagandang investment na maaari niyang mapakinabangan pagdating ng panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *