Silipin Ang Masayang Buhay Ngayon Ng Aktres Na Si LJ Reyes Sa United States Kasama Ang Kanyang Mga Anak Na Sina Aki At Summer

Tila nga natagpuan na ng aktres na si LJ Reyes ang masaya at tahimik na buhay sa United States kasama ang dalawa niyang anak na sina Aki at Summer.

CREDITS: LJ Reyes | IG

Matatandaan na noong Setyembre 2021, nang mapabalita ang paghihiwalay ng aktres na si LJ Reyes at ng aktor na si Paolo Contis. Ang kanilang relasyon na tumagal ng halos anim na taon na nagbunga ng isang supling, ay nauwi rin sa hiwalayan sa huli. Sa kanilang paghihiwalay, ay nagpasya si LJ na lumipad patungong New York kung saan naninirahan ang kanyang ina. At sa pagsisimula ng panibagong buhay sa ibang bansa, ay kasama rin niya ang kanyang dalawang anak na sina Aki at Summer.

CREDITS: LJ Reyes | IG

Mahirap mang magsimulang muli, ay mas iniisip ni LJ ang kapakanan ng kanyang mga anak kung kaya’t nagpasya na siyang manatili sa United States kasama ang mga ito. Madalas namang ibahagi ni LJ sa kanyang social media ang mga kaganapan sa kanilang buhay habang sila’y nasa ibang bansa. At makikita naman na unti-unti na silang nakakapag-adjust sa buhay na meron sila doon.

CREDITS: LJ Reyes | IG

Pag-amin naman ni LJ sa first Thanksgiving celebration nilang mag-iina sa United States, ay maraming bagay parin ang dapat ipagpasalamat.

“So much to be grateful for on our first Thanksgiving!,”ayon kay LJ.

Hindi naman maitatanggi na sa kabila ng kabiguang naranasan ni LJ sa nasirang pag-iibigan nila ni Paolo, ngayon nga ay masaya na siyang kapiling ang kanyang mga anak na nagbibigay saya at kulay sa kanyang buhay. Sa panayam nga kay Boy Abunda ay nagpasalamat si LJ sa Diyos, dahil nagawang mapadali para sa kanila ang kanilang pagsisimula ng bagong buhay sa US.

CREDITS: LJ Reyes | IG

Sa nasabing panayam rin, ay inamin ni LJ na hindi pa niya tiyak ang magiging buhay nila sa US ngunit napag-alaman na ang panganay niyang anak na si Aki ay nag-aaral na ngayon doon. Tila naman, mas lalong gumaganda si LJ sa kanyang pananatili sa US, dahil noong nagdaang Setyembre sa naganap na fashion week, ay talagang pinabilib ni LJ ang kanyang mga fans sa kanyang angking kagandahan.

CREDITS: LJ Reyes | IG

Masayang-masaya rin ang aktes dahil patuloy niyang nasusubaybayan ang milestone ng kanyang mga anak. Nitong nakaraang Enero 4 lamang nga, ay masayang ipinagdiwang ni Summer ang kanyang 3rd birthday sa US. Isang nakakaantig na mensahe naman ang ipinaabot ni LJ sa Instagram para batiin ang kanyang bunsong anak.

CREDITS: LJ Reyes | IG

Sa kabila nga ng mga pagsubok na kanyang pinagdaanan ay pinatatag naman si LJ ng kanyang paniniwala sa Diyos. At para nga sa kanyang mga anak ay pinapalakas niya ang kanyang sarili, at hindi sumusuko sa anumang pagsubok. Tiyak na ipapagkaloob rin kay LJ sa tamang panahon ang kaligayahan na kanyang minimithi. Ngunit, sa ngayon ay sapat na para sa kanya ang makasama ang kanyang mga anak na nagpapasaya sa kanya araw-araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *