Silipin ang Four-Storey na Mansyon ng Komedyanteng si Pokwang

Si Marietta Subong o mas kilala sa pangalang Pokwang ang isa sa pinakasikat na komedyante sa showbiz. Una siyang nakilala sa isang reality TV show sa ABS-CBN. Kalaunan ay naging cast siya ng iba’t ibang pelikula at shows. Dito na rin nagsimula ang kasikatan at tagumpay ng komedyante. At dahil nga sa kaniyang patong-patong na mga proyekto, nakapagpatayo siya ng isang mansyon sa Antipolo, Rizal.

CREDITS: Pokwang | IG

Malaking bagay para sa aktres ang bahay na ito sapagkat hindi naging madali ang kaniyang buhay bago niya nakamit ang tagumpay na ito. Pampito sa labindalawang magkakapatid si Pokwang. Una siyang nagtrabaho bilang OFW sa Japan noong 1990. Lumipat naman siya sa Abu Dhabi noong 1998 upang magtrabaho bilang domestic worker.

CREDITS: Pokwang | IG

Ngayong malayo na siya sa dati niyang buhay at trabaho, ipinagmamalaki niyang ibinahagi ang kaniyang tahanan.
Sa pagpasok pa lang sa bahay ay makikita agad ang magagarang dekorasyon gaya ng Swarovski crystals, Chinese figurines, at chandeliers. Puno rin ng mga simbolo ang bahay ni Pokwang. Isa na rito ay ang araw na dekorasyon. Ayon kay Pokwang, sa kaniya mismo galing ang ideya na ito dahil nagsisimbolo ito ng pag-asa.

Photo credits to the owner

Bukod sa mga dekorasyon, mapapansin din ang malalaking glass windows ng bahay upang magkaroon ito ng natural light. Sa living area naman makikita ang entertainment equipments ng artista. May ilang artworks din dito ng artist na si Chico Javier. Pagdating naman sa dining area, kapansin-pansin ang dilaw na kulay ng mga upuan. Ayon kay Pokwang, isa raw itong pag-alala sa kaniyang malapit na kaibigang si Kris Aquino. Puno rin ng modernong disenyo at appliances ang kusina ng bahay.

Photo credits to the owner

Sa ikalawang palapag naman ng bahay makikita ang mga kwarto. Ang isa sa mga ito ay itinabi para sa kapatid ni Pokwang na si Dino. Isang kwarto rin ang inilaan ni Pokwang para sa kaniyang yumaong anak na si Shin. Bagamat hindi nagagamit ang kwartong ito, makikitang espesyal pa rin ang mga dekorasyon na ginamit dito. Hindi rin mawawala ang kwarto at bathroom para sa anak ni Pokwang na si Mae.

Photo credits to the owner

Punong-puno ito ng kulay pink na dekorasyon, bagay sa gustong disenyo at personalidad ng kaniyang anak. Makikita rin sa palapag na ito ang unang walk-in closet ni Pokwang. Dito makikita ang kaniyang mga sapatos, costumes, at damit para sa kaniyang mga shows. Dito rin inilalagay ni Pokwang ang mga regalong kaniyang natanggap mula sa kaniyang mga taga-suporta.

Photo credits to the owner

Sa ikatlong palapag makikita ang kwarto ni Pokwang. Dahil naniniwala ang artista na maswerte para sa kaniya ang kulay na orange, hindi ito mawawala sa kaniyang kwarto kasama ang iba pang modernong disenyo. Makikita rin dito ang mga mamahaling designer bags at perfume ng komedyante. Sa palapag din na ito ang pangalawang walk-in closet kung saan makikita ang pang-araw-araw na damit ng komedyante.

Photo credits to the owner

May sarili ding bathroom dito sa Pokwang. Mayroon itong shower cabin na maaaring gamitin bilang sauna. Malaki rin ang pasasalamat ni Pokwang sa Maykapal para sa mga biyaya na natanggap niya kaya naman nagpagawa rin siya ng prayer room.

 

Photo credits to the owner

Bukod sa mga kwarto, mayroon ding roof deck ang bahay upang makapag-relax ang komedyante at ang kaniyang mga bisita.Bagamat perpekto ang bahay para sa pamilya ni Pokwang, nakumpirmang naibenta na ito taong 2017.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *