Silipin ang Extension ng Gonzaga’s House sa Taytay na Ipinagawa ng Magkapatid na Sina Toni at Alex Gonzaga

Kung pagiging sikat, popular at matagumpay sa mundo ng showbiz ang pag-uusapan, ay hindi magpapahuli riyan ang Gonzaga’s sister o ang Multi Media Star na si Toni Gonzaga at ang kanyang kapatid na host-actress na si Alex Gonzaga.

CREDITS: Alex Gonzaga| IG

Kaya naman hindi na nakapagtataka na dahil sa kanilang tinatamasang tagumpay sa kanilang karera, halos lahat nga ng kanilang pinapangarap ay kanila ng nabigyan ng katuparan, kabilang na nga rito ang pangarap nila na magkaroon ng napakagandang extension ang kanilang tahanan sa Taytay.

CREDITS: Real Living| Entertainment Website

Ang magkapatid na Toni at Alex ay hindi lamang nga kilala bilang mga sikat na celebrity na may kanya-kanyang husay pagdating sa larangan ng hosting at acting, dahil maliban pa dito ay kilala rin ang dalawa sa mundo ng vlogging, kung saan dito mas lalo nga silang nakapagbibigay ng aliw at kaalaman sa marami nilang mga tagasubaybay kaya naman talagang minahal pa sila lalo ng publiko.

CREDITS: Alex Gonzaga| IG

Samantala, batid naman natin na ngayon ay pareho ng may kanya-kanyang pamilya sina Toni at Alex, ngunit sa kabila nito, ay magkatulong nga nilang binigyan ng katuparan ang pangarap nilang extension sa bahay nila sa Taytay.

CREDITS: Alex Gonzaga| IG

Kung noon ngang nagsisimula pa lamang sa pag-aartista ang magkapatid ay mayroon na silang tahanan na may-apat na silid na nakatirik sa 150sqm na lupa, sa paglipas nga ng panahon at sa pagiging matagumpay nila sa buhay ngayon nga ay nagawa na nilang mapa-extend ang kanilang bahay at nadagdagan nga nila ang lawak ng kanilang lupain, kung saan umabot na ito sa kabuuang 600sqm.

CREDITS: Real Living| Entertainment Website

Dahil sa mas lumawak na nga ang lupain ng kanilang tahanan, ay nagpa-extension nga sina Toni at Alex, kung saan ay nagpadagdag pa sila ng dalawa pang silid.

CREDITS: Real Living| Entertainment Website

Hindi na rin naman pinabago ng magkapatid ang kanilang living area, ngunit ang kanilang kusina at hapagkainan ay kanilang pinaganda at pinalawak pa. Ang kusina nga sa tahanan nilang ito ay ginawa nilang puro kahoy ang mga cabinet, at ang kanila namang dining ay mas naging elegante dahil pang malakihan na ngang dining set ang inilagay nila rito.

CREDITS: Real Living| Entertainment Website

Kapansin-pansin nga na naging mala-Victorian style ang naging tema ng kabuuang house extension sa tahanan ng Gonzaga sa Taytay, ito ay dahil nga sa ang mas nangingibabaw na kulay sa loob ng buong kabahayan ay kumbinasyon ng kulay abo at puti.

CREDITS: Real Living| Entertainment Website

Mas nakadagdag pa nga ng buhay at kagandahan sa buong tahanan ang mga magagarang tila vintage na kagamitan sa loob nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *