Silipin Ang Bahay Ng Mag-asawang Julius Babao At Christine Bersola Na Maihahalintulad Sa Ganda At Lawak Ng Isang Museum

Si Julius Babao ay isa sa pinakakilala at pinagkakatiwalaang mamamahayag sa bansa. Nanilbihan siya bilang radio commentator at talk show host sa ABS-CBN Network. Sa programa namang TV Patrol ay nasaksihan natin ang kanyang husay sa paghahatid ng balita. Magmula taong 1993 hanggang 2021 ay naging tahanan na ni Julius ang ABS-CBN, ngunit nilisan niya ito ngayong taong 2022.

Photo Credits: Julius Babao | IG

Samantala, makulay rin ang buhay ni Julius sa piling ng kanyang misis na si Christine Bersola, na kapareho niyang isang broadcast journalist. Sila ay ikinasal noong 2003, kung saan ang kanilang masayang pagsasama ay biniyayaan ng dalawang anak, sina Antonio at Antonia. Ang pangalan ng kanilang mga anak ay hango naman sa patron saint na si St. Anthony de Padua.

Photo Credits: Julius Babao | IG

Sa loob ng maraming taong paninilbihan sa radyo at telebisyon, ay hindi na nakapagtataka kung marami na rin silang naging bunga ng kanilang pagsisikap sa kanilang trabaho. At isa nga sa talagang maipagmamalaki ng mag-asawa ay ang kanilang napakagandang bahay na maihahalintulad sa isang museum sa ganda ng disenyo nito.

Photo Credits: Julius Babao | IG

Ang kanilang napakagandang 4-storey house na tinawag na Casa Uccello o Bird House, ay binigyang katuparan ng mahusay na architect na si Jason Buensalido ng Buensalido Architect.

Photo Credits: Julius Babao | IG

Maliban naman sa pagmamahal nila sa kanilang trabaho bilang journalist, ay malaki rin pagmamahal ng mag-asawa pagdating sa fine arts. Sa katunayan nga nito, ang kanilang bahay ay nagmistulang isang museum sa dami ng kanilang art collection. Pagpasok nga sa loob ng kanilang napakagandang bahay, ay aakalain na pumasok ka sa isang museum. Ito nga ay dahil sa loob ng dalawang dekada, ay nakaipon na ang mag-asawa ng halos 300 art pieces.

Photo Credits: Julius Babao | IG

Sa isang Megamall Event Center ay may pagmamalaki ngang inilarawan ni Julius ang kanilang bahay bilang “It’s a museum masking as a home”. Ang masisilayang ganda sa kanilang museum inspired house ay dahil sa magandang taste ni Julius pagdating sa mga arts, at ito nga ay ipinagkatiwala na ni Christine sa kanyang mister. At makikita naman ang napakagandang resulta sa kanilant bahay na may kahanga-hanga sa gandang disenyo.

Photo Credits: Julius Babao | IG

Tila nga naging museum na ang kanilang tahanan ng mga magagandang obra. Isa naman sa kanilang maipagmamalaking art piece sa kanilang tahanan ay ang tinatawag na Pepper, at ang kanilang koleksyon kung saan kasama ang Australian-Irish Visual artist na Grottfried Helnwein.

Photo Credits: Julius Babao | IG

Masasabi naman na isa sa talagang agaw pansin rin sa kanilang bahay ay ang avain-inspired door handle na kung saan nga ay may simbolo ng Babao, at ito nga disenyo ng artist na si Daniel dela Cruz.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *