Sila Ang Mga Sikat Na Aktor Sa Showbiz Na Tila Mas Lalong Gumagwapo Sa Paglipas Ng Panahon

Talaga namang kahanga-hanga ang taglay na kagwapuhan at kakisigan ng mga sikat na aktor sa industriya ng showbiz. Karamihan nga sa kanila ay tila hindi naman tumatanda sa pagdaan ng panahon, sa halip nga ay tila mas lalo pang gumagwapo.

Piolo Pascual

CREDITS: Piolo Pascual| IG

Ang aktor na si Piolo Pascual ay 45 taong gulang na ngayon, ngunit sa kanyang mukha ay hindi masisilayan ang bakas ng pagtanda. Hanggang ngayon nga, ay marami parin talaga ang babaeng nabibighani sa kanyang taglay na kagwapuhan at kakisigan.

Richard Gomez

CREDITS: Richard Gomez | IG

Dekada 90 nang sumikat sa pelikula at telebisyon ang aktor na si Richard Gomez na isa na rin ngayong politiko. Ilang taon man nga ang lumipas, ay tila hindi naman nagbago ang mukha ng aktor at napakagawapo parin nito. Si Richard ay 55 taong gulang na ngayon, na kung saan ay patuloy na pinapahanga ang mga kababaihan sa kanyang taglay na karisma.

John Estrada

CREDITS: John Estrada| IG

Ang komedyante at aktor na si John Estrada ay 48 taong gulang na ngayon. Ngunit, sa kabila ng kanyang edad ay marami parin ang humahanga sa kanyang taglay na karisma.

Derek Ramsay

CREDITS: Derek Ramsy | IG

Isa rin sa hinahangaan ng maraming kababaihan ay ang aktor na si Derek Ramsay. Kilala na si Derek sa pagkakaroon ng gwapong mukha at makisig na katawan dahilan nga kung bakit napaibig rin niya ang aktres na si Ellen Adarna. Sila ay ikinasal noong Nobyembre 2021 sa Bataan kung saan nga ay nasaksihan ng kanilang pamilya at mga kaibigan ang kanilang sumpaan. Si Derek ay may isang anak sa kanyang dating karelasyon, siya si Austin.

Gabby Concepcion

CREDITS: Gabby Concepcion | IG

Kahit ilang taon pa siguro ang lumipas ay hindi kukupas ang taglay na kagwapuhan ng aktor na si Gabby Concepcion. Walang duda kung bakit siya habulin ng maraming babae. Si Gabby ay nagkaroon ng anak kay Megastar Sharon Cuneta, si KC Concepcion.

Albert Martinez

CREDITS: Goggle.Com

Ang batikang aktor na si Albert Martinez ay kabilang na sa grupo ng mga senior citizens. Ngunit, kahit pa nga 60 anyos na ang aktor ay hindi naman maikakaila na nagawa niyang panatilihin ang taglay na kagwapuhan.

Zoren Legaspi

CREDITS: Zoren Legaspi | IG

Ang mister naman ni Carmina Villaroel na si Zoren Legaspi ay hindi magpapahuli sa mga aktor na taglay ang kagwapuhan. Sa ngayon ay 50 taong gulang na si Zoren, ngunit makikita na napakagwapo parin niya. Sina Zoren at Carmina ay may kambal na anak, sina Cassy at Mavi na pawang mga sikat na artista na rin ngayon sa showbiz.

Aga Muhlach

CREDITS: Aga Muhlach | IG

Ang awardwinning aktor na si Aga Muhlach ay kabilang rin sa mga sikat na aktor na mas lalong gumagwapo sa paglipas ng panahon. Isa naman siya sa pinakamahusay na aktor sa industriya ng showbiz kung saan nga ay ilang ulit na naparangalan. Katulad na lamang ng parangal mula sa mula sa Star Awards, Maria Clara Awards, at FAMAS Award.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *