Sila Ang Mga Celebrity Couple Na Nagpasyang Iwan Ang Buhay Sa Metro Manila At Mas Piniling Manirahan Sa Probinsya

Hanap ng marami ngayong panahon ng pandemya ay isang lugar na ligtas, tahimik at may napakagandang tanawin. At ito ay matatagpuan lamang sa mga mgagandang probinsya sa ating bansa. Tila naman patok ngayon sa mga artista ang buhay probinsiya, isang simpleng buhay na puno ng saya. Kaya naman, marami na rin sa mga celebrity couple sa showbiz ang nagpasya na lisanin ang magulong siyudad para manirahan at mag-enjoy sa buhay probinsya.

Joyce Pring and Juancho Trivino Move to Laguna

CREDITS: Joyce Pring| IG
Ang mag-asawang sina Joyce Pring at Juancho Trivino ay magpasyang manirahan sa kanilang bagong tahanan sa Laguna noong 2020. Ang kanilang paglipat sa probinsya ay isang malaking pagbabago para kay Joyce na isang city girl mula sa kanyang pagkabata. Sa isang interview, ay ibinahagi ng soon to be mom ang kanyang journey sa kanilang buhay probinsya.

“Transition has been crazy, but fun. I actually am super surprised kasi I have never lived outside of Metro Manila. Talagang Manila girl ako ever since.”

Aminado si Joyce na nahirapan siyang mag-adjust noong una sa pagsisimula ng kanilang buhay sa probinsiya. Ngunit, ngayon nga ay talagang nag-eenjoy na siya sa simple at tahimik na buhay nila sa probinsiya.

“Seeing trees, listening to birds in the morning kapag nagigising ka, and meron kang kuliglig na maririnig kapag matutulog ka sa gabi. That kind of silence from the constantly changing environment of working in the media has been peaceful and life-changing.”

Megan Young and Mikael Daez get ready to move to Subic

CREDITS: Megan Young | IG
Handa naring lumipat ng tirahan ang mag-asawang sina Megan Young at Mikael Daez. Sa isang interview noong Enero 21, ay ibinunyag ni Michael ang plano nilang manirahan sa hometown ni Megan sa Subic ngayong taon, kung saan nga ay unti-unti na silang naghahanda sa kanilang paglipat.

“We’ve already done the initial steps of that. We already know where in Subic we’re going to move into, but we haven’t moved there yet. So right now, I think we’re going to try and set up that area as best as we can, so when we move in, it’s convenient na.”

Luigi Muhlach and his family move to Tagaytay

CREDITS: Luigi Muhlach | IG
Napagpasyahan naman ni Luigi Muhlach at ng kanyang misis na si Patty na iwan ang siyudad para manirahan ng tahimik sa probinsya kasama ang kanilang mga anak na sina Alejandro, Adriana, Anya, at Ariella. At noong Hunyo 2020 nga, ay tuluyan nang nilisan ng kanilang pamilya ang kanilang bahay sa Metro Manila para manirahan for good sa Tagaytay.

“Who hasn’t dreamed of ditching city life and moving to the countryside?”

Sa Tagaytay lumaki ang kanyang asawang si Patty, kung kaya’t dito na rin nila napagpasyahang manirahan. Ayon naman kay Luigi, ay maganda at masaya ang buhay sa Tagaytay. Bukod nga sa masisilayan ang napakagandang tanawin araw-araw, ay makakamit rin nila ang hinahanap nilang katahimikan na kailangan nila sa meditation.

“Life in Tagaytay is great. Life outside our front door is breathtakingly beautiful. We enjoy going for walks as a family or quietly gather around our meditation garden for yoga or just simply enjoy bird watching or listening to the crickets chirping. Maybe even have a really cold beer while making fresh pizza.”

Pagbabahagi pa nito, ay enjoy na enjoy rin ang kanyang mga anak sa tahimik at simpleng buhay nila sa Tagaytay ngayon. Pag-amin pa ni Luigi, ay talagang nagustuhan nila ang bagong buhay nila ngayon na napakasimple at natural lamang.

“Our day-to-day life in the countryside is panning out the way we have imagined and prayed for it to be. Even the kids seem so much happier now. Life has become calmer and more fulfilled. We just love the natural setting of new life.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *