Sikat na Vlogger na Si Whamos Cruz, Isang Bonggang Selebrasyon ang Inihanda Para sa 18th Birthday ng Kanyang Nobyang si Antonette

Sikat na sikat na nga ngayon ang dancer na si Whamos Cruz bilang isang vlogger. Marami nga ang natutuwa sa mga vlog na ibinabahagi ni Whamos sa kanyang sariling Youtube channel. Mas lalo namang inabangan ng marami ang buhay ni Whamos sa pagdating ng kanyang nobyang si Antonette Gail.

CREDITS: Whamos Cruz| FB| YT

Matatandaan nga na nasangkot sa kontrobersya ang sikat na vlogger at kanyang nobya, na umabot pa sa programa ni Raffy Tulfo. Ito nga ay matapos magreklamo ang ina ni Antonette na tutol sa relasyon nilang dalawa dahil ng mga panahong iyon ay menor de edad pa lamang ang anak nito. Nabunyag rin ang mga hindi kanais-nais na bagay sa nasabing programa.

CREDITS: Whamos Cruz| FB| YT

Ngunit, sa kabila ng matinding kontrobersya na pinagdaanan ng dalawa, ay mas nanaig ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa. Ngayon nga, ay pinatunayan ng magkasintahan na pinagtibay ng mga pagsubok ang kanilang relasyon at sila’y masayang nagsasama ngayon.

CREDITS: Whamos Cruz| FB| YT

Samantala, matapos ang ilang buwan ay nasa legal age na ngayon si Antonette. Bagay na hindi pinalampas ni Whamos para handogan ng isang napakabonggang selebrasyon. Dahil nga talagang mahal na mahal ni Whamos ang kanyang kasintahan na si Antonette, kaya naman sa pagdiriwang ng 18th birthday ay napakabongga nga ng naging selebrasyon ng dalaga.

CREDITS: Whamos Cruz| FB| YT

Sa mga larawang ibinahagi ni Whamos sa social media, ay makikitang dinaluhan ng mga kilala ring vlogger at social media influencer ang bonggang birthday party ni Antonette. Ilan lamang sa mga ito ay sina China Roces, Tim Sawyer, DJ Loonyo, Eric Tai, Kiko Matos at marami pang iba. Nasilayan rin sa espesyal na pagdiriwang ang ama ni Antonette kung saan ay first dance ng dalaga sa kanyang 18 roses. Sa isang larawan nga ay makikitang naging emosyunal si Antonette sa tagpong iyon ng kanyang ama.

CREDITS: Whamos Cruz| FB| YT

Hindi naman talaga maipagkakaila ang labis na pagmamahal ni Whamos sa kanyang magandang nobya. At sa isang post nga sa social media ay ipinaabot ni Whamos ang kanyang sweet na pagbati para sa kaarawan ni Antonette.

Ayon nga sa sikat na vlogger na si Whamos, ay masayang-masaya siya dahil 18 anyos na ang kanyang nobya. Hangad rin ni Whamos na matupad ang mga pangarap sa buhay ng kanyang pinakamamahal na si Antonette. Tinapos naman ni Whamos ang kanyang mensahe sa pagpapadama ng kanyang pagmamahal sa kanyang nobya.

CREDITS: Whamos Cruz| FB| YT

“unang una sa lahat kase hindi huli. HAPPY HAPPY BDAY SA MAHAL KO Antonette Gail. sobrang saya ko kase 18th kana. alam nyo nayon kung bat masaya ako hahahahah char. wish ko lang naman matupad mo mga pangarap mo sa buhay mo maging masaya ka sa kaarawan mo at papasayin din kita sa mismong araw ng bday mo saka after ng bday mo char.at wag isipin ang mga problema kase nalutas na naten yan at nalagpasan naten at walang mamapigil saten dalawa dahil tayo ang pabebe girls.char lang basta tupadin at gawin natin yung mga pangako naten sa sarili naten at congrats sa mga narating mo ngayon.maraming salamat sa pagmamahal na binigay mo din sakin at tutumbsan kopa yon. love you mahal ko. HAPPY BDAY.”

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *