Sandara Park, Pinabilib Ang Madla Matapos Ipinasilip Ang Kanyang Koleksyon Ng Mamahaling Sapatos

Hinahangaan ng marami ang K-Pop star na si Sandara Park na bukod sa kanyang angking kagandahan, ay may kahanga-hanga ring talento bilang isang singer at dancer. Sa ngayon ay kasalukuyang nag-eenjoy si Sandara sa kanyang buhay sa Korea.

Photo Credits to the owner

Sa loob naman ng maraming taong ipinapamalas ang kanyang talento, ay hindi na rin nakapagtataka kung marami na siyang naipong mga sapatos na ginagamit niya sa kanyang trabaho o kaya naman ay sa kanyang mga lakad.

Photo Credits to the owner

At kamakailan lamang nga, ay proud na ipinasilip ni Sandara sa kanyang mga fans ang kanyang koleksyon ng mamahaling sapatos. Ang K-pop star na may pusong Pinoy, ay talagang namang hindi natiis ang kahilingan ng kanyang mga fans na masilip ang kanyang luxury shoe collection.

Photo Credits to the owner

Sa kanyang Youtube channel, ay ipinasilip nga ni Sandara ang kanyang mga mamahaling koleksyon ng sapatos. Sa ngayon ay mayroon na siyang 1000 na pares ng mga mamahaling sapatos. Ilan nga sa mga ito ang rare color at limited edition ng Nike, Adidas, Chanel, at Balenciaga. Sa kanyang vlog ay inamin rin ni Sandara na mahilig siyang mamili ng mga sapatos kapag siya ay nagta-travel at sa mga lugar na kanyang pinupuntahan, ay tinitiyak niyang makakabili siya ng sapatos.

Photo Credits to the owner

Talagang mahilig mangolekta ng sapatos si Sandara, at hindi naman ito basta-basta dahil mga rare colors ang meron siya. Katulad na lamang nga ng Converse x Chrome Hearts collection na may iba’t-iba ang kulay. Kwento pa ng K-pop star ay naghintay siya ng anim na buwan bago maideliver sa kanya ang sneakers na iyon.

Photo Credits to the owner

Naibahagi rin ni Sandara ang isang nakakatuwang pangyayari kung saan nga ay naiwan ang kanyang handler ang kanilang baggage noong nag-tour ang kinabibilangan niyang grupo na 2NE1 sa Taiwan kung saan nga ay nakalagay ang kanyang converse leather shoes. At tila hindi naman matanggap ni Sandara na mawala nalang basta ang nasabing sapatos, kaya naman ay napilitan siyang bumili na lang ng bagong pares nito.

Photo Credits to the owner

Sa napakaraming pares nga ng sapatos na meron si Sandara sa kanyang koleksyon, ay napa-wow ang maraming netizens. Hahangaan naman talaga ng ganda ng kanyang mga sapatos sa kanyang koleksyon na karamihan nga ay rare colors at limited edition.

Photo Credits to the owner

Si Sandara Park ay South Korean singer na sumikat sa Pilipinas matapos sumali sa reality talent show na Star Circle Quest noong 2004. Noong 2009 naman ay nagsimula nang lumikha ng kanyang pangalan si Sandara sa sarili niyang bansa bilang miyembro ng K-pop group na 2NE1. Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na pinapabilib ni Sandara ang kanyang mga fans sa natatangi niyang husay nilang singer at dancer.
YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *