‘#Relationship Goals’ Magkasintahan na May Kursong BS Architecture, Parehong Nagtapos Bilang Cum Laude

Madalas na sinasabi ng mga nakakatanda na huwag munang pumasok sa isang relasyon habang nag-aaral pa. Ngunit gaya ng kwento ng magkasintahan na ito, napatunayan nilang maaaring magkaroon ng magandang impluwensiya ang kanilang kasintahan sa kanilang pag-aaral.

Photo credits: google.com

Para sa kanila, naging inspirasyon nila ang isa’t isa upang mas magpursigi at maging mas seryoso sa pag-aaral. Nagkaroon din sila ng malalapitan sa oras ng mga problema. Dahil dito, talagang isang malaking tagumpay ang sabay na pagtatapos ng magkasintahan na ito.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Usap-usapan nga ngayon ang magkasintahan na sina John Khenbert Yu at Kimberly Dospueblos na nakapagtapos ng BS Architecture sa University of the Philippines Mindanao. Lalo ring humanga ang mga tao sa magkasintahan na ito dahil pareho silang nagtapos bilang cum laude. Sa katunayan, ipinagmamalaking ibinahagi ni John Khenbert ang tagumpay na ito sa social media, “5-year course, 4 years in a relationship, 3 years of struggle (masaya pa 1st at 2nd yr ng arki), 2 laudes, 1 dream.”

Photo credits: google.com

Kwento ng dalawa, pareho nilang dream school ang UP. Ibinahagi rin nila ang kanilang sariling rason kung bakit nila ginustong maging architect. Para kay John Khenbert, kinuha niya ang kursong BS Architecture dahil inakala niyang tungkol lamang ito sa simpleng pagguhit ng mga bahay at iba pang istruktura. Para naman kay Kimberly, sa simula pa lamang ay alam na niyang Architecture ang gusto niyang kunin dahil bagay na bagay ito sa kaniyang hilig gaya ng arts at mathematics kaya naman talagang perpekto ang Architecture para sa kaniya.

Photo credits: google.com

Bukod dito, inilahad din nila kung paano naging magaan ang buhay nila sa kolehiyo lalo na at magkasama silang dalawa. Malaking tulong daw ang presensya ng isa’t isa noong sila ay nasa kolehiyo pa. Nagtutulungan din ang dalawa sa anumang hirap sa kanilang pag-aaral at maging sa kanilang personal na buhay. Napalitan naman ito ng matamis na tagumpay nang sabay silang nakapagtapos. Higit pa rito, pareho rin silang nakakuha ng parangal bilang cum laude.

Photo credits: google.com

Inspirasyon sina John Khenbert at Kimberly sa kanilang mga kapwa estudyante upang magsipag sa kanilang pag-aaral. Pinatunayan din ng kanilang kwento na sa oras ng mga pagsubok sa pag-aaral, totoong importanteng magkaroon ng masasandalan, kasintahan man ito, mga kaibigan, o kapamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *