“Proud Morena”, Pinoy Big Brother Main Host Bianca Gonzales, Ipinagmamalaki ang Kanyang Kayumangging Kulay

Ang mga Pilipino ay kilala sa kanilang Kayumangging balat, ngunit marami nga sa ating mga kababayan ang mas ninanais na maging maputi kaysa mahalin ang sariling kulay, ito ay dahil para sa kanila ay mas maganda nga sa kanila kapag ang kanilang balat ay maputi.

Photo Credits: Bianca Gonzalez | IG

Marami nga sa atin, ang tila ninanais na maging maputi, kung saan iba’t ibang mga whitening soap pa nga ang ginagamit ng iba para pumuti. Ang iba naman ay nagpapa-clinic pa para lamang mas maging mapusyaw ang kulay.
Sa kabila nito, may mga kababayan pa rin tayo na ipinagmamalaki ang kanilang natural kulay sa kabila ng pagiging Kayumanggi. Kagaya na lamang nga nito ay si Bianca Gonzales, na nito lamang nakaraan ay talagang itinaas ang bandera ng mga Kayumanggi dahil sa pagiging isa niyang proud Morena.

Photo Credits: Bianca Gonzalez | IG

Tunay ngang ang kagandahan ay nasa pagdadala ng isang tao, wala sa kulay ng balat nito, ganito ang pinatunayan ni Bianca Gonzales matapos niyang ibandera sa kanyang Instagram account kung gaano niya ipinagmamalaki ang kanyang kagandahan noon, ngayon at hanggang sa kanyang pagtanda kahit pa nga ang kulay ng kanyang balat ay Morena.Nagbahagi ng kanyang napakagandang larawan ni Bianca sa IG niya, at ito ay nilakipan niya ng caption na;

‘A #proudmorena noon, ngayon at hanggang pagtanda.”

Marami naman kaagad sa mga celebrity friends ni Bianca ang nagbigay ng mga positibong komento at papuri sa IG post niyang ito.

Photo Credits: Bianca Gonzalez | IG

Kung ating babalikan, noong nagsisimula pa lamang si Bianca sa mundo ng showbiz ay taglay na niya ang kanyang morenang balat, at hindi nga ito naging hadlang kanya sa kung ano man ang maganda at matagumpay na karera na tinatamasa niya ngayon bilang isang celebrity at host.

Photo Credits: Bianca Gonzalez | IG

Si Bianca Gonzales-Intal ay kilala ng publiko bilang isang TV presenter at host. Siya ay ikinasal sa basketbolistang si JC Intal noong ika-4 ng Disyembre taong 2014, sa El Nido, Palawan. Isa rin siya sa mga supporter ng UNICEF.
Nito lamang nakaraan ay pormal na ngang ipinakilala si Bianca bilang main host ng reality TV show na Pinoy Big Brother ng Kapamilya network. Ito ay matapos ngang mag-resigned ni Toni Gonzaga bilang main host ng nasabing programa, kung saan siya ay tumagal sa pagho-host dito ng halos 18-taon, hindi naman nabanggit pa kung bait nag-resign ang former host.

Photo Credits: Bianca Gonzalez | IG
Proud naman ang mister ni Bianca na si JC Intal sa bagong career ngayon ng misis niya. Makikita pa nga sa social media account ng basketbolista, ang naging pagbati niya ng ‘congratulations’ sa misis niyang si Bianca. Nagsimula ang pagiging main host ni Bianca sa PBB nito lamang ika-12 ng Pebrero habang ginaganap ang live eviction night.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *