Para sa Kanyang Ika-37th Birthday, Anne Curtis Nagmala – Audrey Hepburn Sa Kanyang Birthday Photoshoot

100% naman talagang kuhang-kuha ng Kapamilya actress na si Anne Curtis sa kanyang pag-awra ang kanyang iniidolo sa Hollywood na si Audrey Hepburn.

CREDITS: Anne Curtis| IG

Sa pagdiriwang ng kanyang ika-37 taong kaarawan ay muling pinahanga ng aktres na si Anne Curtis ang napakarami niyang mga tagahanga. Ito nga ay matapos niyang umawra ng tulad sa longtime idol niya na si Audrey Hepburn, isang Hollywood and Style Icon.

CREDITS: Anne Curtis| IG

Noon pa man ay naging ‘vocal’ na ang Kapamilya actress na si Anne Curtis sa paghanga niya kay Audrey Hepburn, kaya naman hindi na rin ikinagulat pa ng mga tagahanga niya ng magkaroon nga Audrey Hepburn-inspired photoshoot si Anne para sa kanyang ika-37 taong gulang na kaarawan.
Matatandaan na sa mga nakaraang interview kay Anne ay ibinahagi niya na kasama sa mga ‘collections’ niya ang mga Audrey Hepburn dolls, maliban pa dito ay nabanggit din ng aktres na mayroon din siyang ‘bow’ na minsan ng ginamit ni Audrey.

CREDITS: Anne Curtis| IG

Ibinahagi ni Anne sa kanyang Instagram nito lamang nakaraan ang kumpol ng mga nag-gagandahan niyang larawan kung saan ilan nga sa mga ito ay kuha sa naging Audrey Hepburn-inspired photoshoot niya. Maliban pa dito ay mayroon din siyang black-and-white snaps na nagbigay ng vintage vibes ng i-awra nga niya ang signatures looks ni Audrey, kagaya na lamang ng iconic hairstyle nito.Makikita naman sa isang larawan na ibinahagi ni Anne, na kasama niya rito ang kanyang napagakagandang anak na si Dahlia.

CREDITS: Anne Curtis| IG

“Waking up happy and very, very grateful. Today is going to be beautiful day!”, ang inilakip na caption ni Anne sa kanyang ibinahaging post.

Samantala, para sa espesyal na araw nga na iyon sa buhay ni Anne, ay isa rin sa mga espesyal na tao sa kanya ang nagpaabot ng pagbati para sa kanya, ito nga ay walang iba kundi ang nakababata niyang kapatid na si Jasmine Curtis Smith.

‘Happiest birthday to our family’s superwoman and GOAT, @annecurtissmith. You truly are the most admirable, chicest, and loving sestra, daughter and maman. From wanting to get a copy of your iTunes playlist to asking for your K-drama recos, you are my icon in so many years. May this year bring an abundance of peace, love and joy in your life, always”, ang naging matamis na mensahe nga ng pagbati ni Jasmine para sa kanyang Ate Anne ng magdiwang ito ng kaarawan.

Dagdag pa niya, “Looking forward to a decade more of memories to make together. Thank you for making life worth living for so many of us! Keep dreaming and soaring, sestra. We will be here always cheering on!!! I love you.”

CREDITS: Jasmine Smith | IG

Batid naman ng publiko na sa kabila ng pagkakaiba ng network na kinabibilangan ng magkapatid na sina Anne a Jasmine, ay tunay ngang malapit sila sa isa’t isa.
Nagbigay naman ng maikli ngunit puno ng pagmamahal na kasagutan si Anne para sa mensahe na ito ng kapatid niyang si Jasmine para sa kanya. Nagkomento nga siya sa post ni Jasmine ng, “I love you so so so much sestra.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *