“Napakasarap mabuhay ng simple” Coco Martin, Nararanasan ang Buhay Probinsyano sa Kaniyang Mini Farm at Bahay Kubo sa Quezon City

Alam ng karamihan na nagmamay-ari si Coco Martin ng isang mansyon sa Quezon City. Totoong para sa mga artistang gaya ni Coco, mas maganda ang mamalagi sa siyudad kung saan mas malapit ito sa kanilang trabaho. Ngunit parami nang parami na ngayon ang mga artistang naghahanap ng mas tahimik at simpleng matutuluyan kaya naman ang iba sa kanila ay bumibili ng property sa mga probinsya. Ang ilan nga sa mga personalidad na ito ay ibinahagi ang kanilang malalawak na farm kung saan mayroon silang iba’t ibang puno, gulay, at maging mga hayop.

Gaya ng mga artistang ito, ginusto rin ni Coco ang buhay probinsya. Maging sa social media nga ay makikitang namamalagi ito sa kaniyang garden kung saan malapit siya sa kaniyang mga halaman at alagang hayop. Ngunit sa halip na kumuha ng property sa probinsya gaya ng karamihan, pinatunayan ni Coco na posibleng magkaroon ng tahimik at mala-probinsyang buhay sa siyudad.

Photo credits: google.com

Dahil dito, bukod sa mansyon ni Coco, nagtayo din siya ng isang maliit na farm at bahay kubo malapit sa kaniyang glamorosong tirahan. Ibinahagi niya sa social media ang ilang mga litrato ng kaniyang pinakabago at paboritong property. Sinabi rin niya sa post na ito,

“Napakasarap mabuhay ng simple.”

Photo credits: google.com

Sa parehong post, aakalaing isa itong farm sa probinsya dahil sa napakaraming malalagong pananim. Makikita ang isang greenhouse na may iba’t ibang tanim na gulay gaya ng okra, pipino, sitaw, talong, at ampalaya. Talagang halos kumpleto ang mga pananim ni Coco dahil mayroon pang kamatis, sili, mustasa, labanos, pechay, lettuce, sibuyas, at carrots.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Marami din ang makukuhang benepisyo sa pagtatanim. Maging ang mga artistang gaya ni Coco ay alam ang mga bagay na ito. Bukod sa makakatulong ito upang makatipid sa gastusin sa pagkain, isa rin itong magandang libangan. Dagdag pa ni Coco,

“Magtanim po tayo para makatulong sa kalikasan.”

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Bilib din naman ang mga netizens sa mini farm na ito at sa kaniyang mga pananim. Bagamat hindi ito kasinglaki ng mga farm ng ibang artista, makikita pa rin na masaya at ipinagmamalaki ni Coco ang munting farm na ito. Totoong maaaring maging inspirasyon ang mga personalidad na gaya ni Coco sa mga karaniwang tao na matutong magtanim kahit na sila ay sa siyudad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *